33. Marked

1.9K 163 44
                                    


Ang lalim ng iniisip ni Edric nang mag-ayang umuwi si Chancey. Ni hindi na rin siya nakareklamo na magba-bus na naman siya. Nagpapasalamat siya dahil wala namang sumakay na maraming tao mula sa main town ng Helderiet kaya ilan lang ang okupadong upuan. Nakatingin lang siya sa kung saan habang iniisip ang tungkol sa marka.

Alam niya ang tungkol doon. Cabal sigil iyon. Ilang beses na ginamit ng mga sorcerer na sumasakop ng lupain.

Naalala niya noong una niyang makita iyon sa dibdib ni Chancey.

Pinaglalaruan lang naman niya ito para takutin. Hindi lang niya inaasahang makikita ang marka nang ibaba niya ang kuwelyo ng damit nito.

"Look what we have here . . . the Cabal's sigil."

Isa iyon sa dahilan kaya hindi niya napapuputulan ang buhok. May ganoong marka din siya sa batok na inilagay ng Ikauna. Maliit lang at hindi mahahalata kung hindi sapilitang titingnan sa ilalim ng ginto niyang buhok. At makakatikim muna ng sakit ng katawan ang sinumang magtatangkang silipin iyon.

Pero sigurado siyang mas nauna pa iyong ilagay sa kanya kaysa sa Cabin o kahit kay Chancey. Bata pa lang siya ay mayroon na siya niyon. Hindi lang siya sigurado kung saan iyon magagamit. O kung magamit man, sigurado siyang wala ring kuwenta dahil lumipas na ang isandaang taon nang wala namang nangyayari sa kanya dahil sa markang iyon.

Nang makita niya ang markang iyon sa dibdib nito, hiniling niyang sana hindi nakita ni Chancey ang pagbagsak ng tapang niya.

"What are you . . .? Who did this you?"

Nang mga sandaling iyon, may kung anong kinang sa mga mata niya ang pinigilan niyang lumabas habang nakatitig sa takot na takot na mga mata nito.

Iyon ang unang beses na nahalikan niya si Chancey.

Ang dahilan ng pagbabago ng mata niya sa pagiging asul.

Ang simula ng pagtibok ng puso niyang matagal nang patay.

Ang pinag-ugatan ng lahat ng kabuwisitan niya mula pa noong nakaraang tatlong taon.

Kahit paano'y napagtatanto na rin niyang kasalanan pala talaga niya ang mga init ng ulo niya dahil kay Chancey.

At dahil naisip na naman ang kasama, noon lang niya napansing lutang nga talaga siya. Saka lang niya napunang naglalakad na siya papasok sa iron gate habang akay-akay ni Chancey—na dapat ay siya ang umaakay rito.

"Alam mo, sa tingin ko, may alam na spells si Papa na wala sa Book of Spells," sabi pa nito at mukhang kanina pa nagdadaldal kaso hindi siya nakikinig. Nakasabit lang ang braso nito sa braso niya habang tutok na tutok sa screen ng phone. Mukhang pareho pala silang nag-aakayan lang sa paglakad dahil hindi rin ito nakatingin sa dinadaanan nila.

"Tatanungin ko na lang siguro si Poi kasi alam daw niya kung paano magbasa nito. Si Eul, nakapag-arala ng old spells pero alam lang niya ang markings at purpose ng mark, hindi lang niya kabisado ang spells na babanggitin."

"Are you sure about this, witch?" tanong niya sa plano nitong lagyan din ng marka ang anak nito gaya ng ginawa ng Ikauna kay Chancey. "The First knew what he was doing, what about you?"

"Maniwala ka na lang, okay? Pag-aaralan nga, di ba?"

Hindi naman sa wala siyang tiwala sa balak ni Chancey . . . pero ganoon na rin nga. Duda talaga siya kung magagawa ba nito. O kung magawa man, duda rin siya kung paano nito iyon magagawa nang maayos. Wala naman itong alam na spell kundi ang markang ibinibigay nito sa kanya para hindi sila maglayo. Napapansin din niyang siya lang ang madalas pag-initan ni Chancey sa pamilya tapos ang bait-bait nito sa lahat.

Prios 4: Living with the VanderbergsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon