Kapag may meeting ang pamilya, siguradong lahat ng miyembro nito ang makakaalam ng kung ano ang pag-uusapan. At masyadong superior ang mga bampira pagdating sa usapang pampamilya. Hindi sila nangingialam nang malaki sa desisyon, maliban kung nadadamay na ang kanilang angkan.
At madadamay nga talaga ang angkan nila dahil bampira ang asawa ng anak ng Ikauna.
"The Seers are looking for the possible scenario regarding numen's pregnancy."
Nandidilat lang si Edric sa plato niya habang nag-aalmusal silang pamilya. At masyado nang maaga ang alas-tres ng umaga para kumain.
Sigurado siyang makikita ng mga Seer kung anong klaseng halimaw ang nasa sinapupunan ni Chancey. At wala siyang pakialam kahit sampu pa ang maging sungay nito. Ang importante sa kanya, mapaalis si Chancey sa Prios at matahimik ang buhay niyang ginugulo nito linggo-linggo sa loob ng tatlong taon.
Umasa ang pamilya ng anak noong unang taon ng pormal na kasal nina Chancey at Donovan. Ang kaso, na-pressure lang si Chancey na magkaanak dahil kada punta nito sa Prios, tinatanong siya ng mga naroon kung buntis na ba siya. At kapag tinatanong ito tungkol sa pagbubuntis, mga sekretarya ni Edric ang napag-iinitan nito. Hindi nga raw kasi nagtatrabaho—at totoo naman.
Lalo lang tuloy nabubuwisit si Edric dahil sa dinami-rami ng mapag-iinitan ni Chancey, mga tao pa sa opisina niyang ginagawa niyang hotel at restaurant araw-araw.
"They will ask for the family's assistance about the mortal's child," sagot ni Morticia. "That kid will end the First's Testament, Father. We need to take this opportunity to control the child as early as possible."
"You really are my child, Morticia."
Kumunot agad ang noo ni Edric nang marinig ang panukala ng kapatid niya tungkol sa anak ni Chancey. "That monster is not yet born."
"And we will not wait for the child to recognize us, son," kontra agad ni Rorric. "If the immortals serving Poi will take the responsibility to babysit the numen during its pregnancy, it will be a hard time for us to control the kid."
"Are you going to stay inside Helderiet again?" naiinis nang tanong ni Edric sa ama.
"I will bid for the numen's nursing. The kid should stay under the vampire's family as early as now."
"Father!" galit ang sigaw ni Edric at nagbagsak pa ng palad sa mesa. "I will not let you do that!"
"You better think about the consequences, son!" maawtoridad nang utos ng ama ni Edric. "Donovan still follows the immortal's words. Once the kid releases its potential to overrule the testament, I want us to control him firsthand before anyone else in the family."
Masama pa rin ang loob ni Edric, pero hindi na siya nakaimik pa. Kung hindi si Chancey ang pinag-uusapan nila, malamang na ganoon din ang isa-suggest niya sa ama.
***
Masyadong malayo ang Winglov Castle sa Prios Holdings building sa gitna ng city. Kaya naman temporary unit na ni Edric ang opisina niya. Doon siya natutulog kapag hindi umuuwi sa kanila. Doon na rin siya kadalasang kumakain. At doon na rin siya nag-aasikaso. Bahay na kung tutuusin kaya bihira lang siyang ma-late sa trabaho. Madalas kasi, wala pang trabaho, naroon na siya.
Walang matinong schedule sa Prios si Edric, pero nagsisimula siyang magtrabaho tuwing alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon. Pagkatapos ay dadaan sa Bernardina Hospital at babalik sa Prios building para matulog. Hindi siya nakakapagdala ng dugo sa Prios kaya kung sino lang ang matiyempuhang tao roon, iyon na ang minemeryenda niya.
BINABASA MO ANG
Prios 4: Living with the Vanderbergs
FantasiTatlong taon matapos mapabilang ni Chancey sa pamilya, naging pressure sa kanya ang pagkakaroon ng anak bilang anak ng Ikauna. Sa araw ng pagkabunyag ng kanyang pagdadalantao, magsisimula na ang sumpang magtatapos sa huling testamento. Magsisimula n...