Bihirang magkasakit si Edric. Wala rin namang dahilan para magkasakit siya. Pero sa araw na iyon, halos ayaw na niyang bumangon sa sobrang sama ng pakiramdam niya.
"Master Edric, the breakfast is ready."
Iyon ang narinig niya sa labas na sinagot lang niya ng pag-ungot. Pero lumipas na ang limang oras, hindi pa rin siya bumabangon.
At imposibleng hindi mapansin ni Chancey ang late na gising ni Edric, lalo pa't sanay itong wala nang laman ang kama pagsapit ng tanghali.
"Hoy, Edric Vanderberg, napuyat ka ba? Tanghali na a."
Tumayo lang sa gilid ng kama si Chancey habang tinititigan mabuti si Edric na nakadapa lang sa kama at nakasubsob ang mukha sa puting unan.
"Edric, hinahanap ka na ng papa mo."
Hindi talaga bumangon si Edric. Naririnig naman niya si Chancey pero bigat na bigat siya sa sarili.
"Buhay ka pa ba?"
Angat-baba ang kama pagsampa roon ni Chancey. Tinapik niya agad ang hayag na balikat ng bampirang nakadapa roon.
"Edric, humihinga ka pa naman e. Ano? Tinatamad ka?" Tatapikin pa sana ulit ni Chancey si Edric pero napansin nito na namumuo ang hibla ng buhok sa may sentido nito. "Huy, Edric, okay ka lang?"
Hinawi ni Chancey ang buhok ni Edric at dumampi agad sa kanya ang malamig na pawis nito.
"Edric?" Kinabahan agad si Chancey dahil hindi ito umiimik. "Hughes! Patawag nga si Las! Sabihin mo, emergency!"
***
Sobrang bihirang magkasakit ni Edric. Nangyayari lang kapag nakakakain siya ng pagkain ng tao na puro kemikal o kaya kapag nakakainom siya ng dugo ng maysakit na tao. Pero hindi siya ang tipo ng bampira na madalas mabiktima ng gaanong pangyayari. Maliban sa pihikan siya sa kinakaing tao, ayaw niyang nasasayaran ng kahit anong kemikal ang katawan niya na dadaan sa bibig.
Buong araw lang siyang nasa Winglov. Walang solidong dahilan para sabihing may nakain siyang hindi maganda.
"Las, okay lang ba si Edric?" tanong ni Chancey habang ineeksamin ni Alastor ang pamangkin.
Namamawis ito at namumula-hindi normal para sa kanilang likas namang maputla ang kutis. Binihisan na rin ito ng mga servant kahit sanay itong natutulog nang walang pang-itaas.
"This is unusual," sagot ni Alastor habang pinupulsahan si Edric. "Vampires don't have heartbeats, customarily."
"Walang heartbeat si Edric?" nag-aalalang tanong ni Chancey. "Mabubuhay ba siya?"
"Pfft! Sorry." Napatakip agad ng bibig si Alastor habang pigil na pigil ang pagtawa. "I mean . . . we're supposed to be dead, like literally."
Ngumiwi naman si Chancey. Ang nasa isip niya, mamamatay na nga talaga si Edric.
"Hindi na ba siya magagamot?"
"I can sense negative energy in him." Tumayo na mula sa kama si Alastor at kampante lang na tiningnan si Chancey. "That foreign energy is new to his body. And I only sensed that energy in you. So . . ." Pinaningkitan niya ng mata si Chancey para sukatin ito ng tingin. "Didn't you curse him or put any sorcerer's rune in his body?"
"Ha?" Nagtaka agad si Chancey. "Wala akong ginagawa!"
"You found him like this after you woke up?" tanong ni Alastor habang itinuturo ang nasa kama.
"Ganyan naman siya every day. Akala ko nga, napuyat lang."
"Last night, what happened?"
"Gaya ng usual, natutulog ako? Natutulog siya?"
BINABASA MO ANG
Prios 4: Living with the Vanderbergs
FantasyTatlong taon matapos mapabilang ni Chancey sa pamilya, naging pressure sa kanya ang pagkakaroon ng anak bilang anak ng Ikauna. Sa araw ng pagkabunyag ng kanyang pagdadalantao, magsisimula na ang sumpang magtatapos sa huling testamento. Magsisimula n...
