Sinimulan ang umaga sa Cabin nang may malaking palaisipan.
Oras ng tulog ng chairman at naiwan sa labas ng mansiyon si Chancey para makipaglaro sa mga hayop na naroon sa gubat. Iniikot-ikot ni Edric ang dugong laman ng wine glass habang pinanonood si Chancey sa damuhan. Pinapaypayan ito ni Lance doon sa ilalim ng malaking payong habang hinihintay nilang matapos maglinis ang mga servant sa mansiyon.
"Kumakalat sa Prios ang balitang may magtatangkang pumatay sa numen," sabi ni Mrs. Serena nang tumabi ang ginang sa kanya. "Kahit ang asawa ko ay nakita rin ang tungkol doon."
"Guess she really use her authority," sabi ni Edric nang sulyapan si ang mayordoma sa kanang tabi. "The family agreed to bring you back to your duties."
"Ilang beses siyang nagbantang papatayin ang anak niya kung hindi nila susundin ang gusto niya."
"As if she can do that."
"Huwag mong mamaliitin ang tigas ng ulo ng batang iyan," sabi na lang ni Mrs. Serena. "Ilang beses nang nagkagulo ang pamilya dahil lang sa kanya."
"I'm not surprised." Inubos na lang ni Edric ang laman ng baso niya habang hinahabol ng tingin ang pulang fox na may dala-dalang frisbee. Lumapit iyon kay Chancey at iwinagayway sa hangin ang malagong buntot nito. "Ruena's ring turned red. And it wasn't changing its color until now." Pagsulyap niya kay Mrs. Serena ay halos manlaki ang mga mata nito nang balingan siya ng tingin.
"Tunay ba?"
Tumango lang siya at ipinakita ang walang lamang baso niya. "I was thinking if the odds will justify the means."
Pumitik ng daliri nang dalawang beses si Mrs. Serena. "Edric, alam mo ang ginagawa ng pamilya sa isinusumpa ng singsing," nag-aalalang paalala ni Mrs. Serena. "Alam na ba ito ni Mr. Phillips?"
May isang maid ang lumapit at kinuha ang walang lamang baso kay Edric.
"I told him," sagot niya. "If the family will know about the ring, they will probably consider why she needs to be killed. The ring won't let her die so it will take other's lives instead. And I am not talking about a single soul."
Ang lalim ng buntonghininga ni Mrs. Serena nang lingunin si Chancey na tawa nang tawa habang kalaro ang alaga nitong si Reed.
"Problema talaga ang pamilya nila kahit na kailan." Tiningala na naman niya si Edric. "Pag-uusapan naming mabuti ito ni Gaspar. Ipadadala ko rito ang espada ng pamilya-kung sakali mang may mangyaring hindi maganda."
"I was about to call Father for the sword, but you've already mentioned it. I'll just wait for the weapon."
May mga pagkakataong kailangan talagang mamili. At kadalasan, hindi talaga magandang ang pagpipilian.
Hindi nagluluto noon ng tanghalian para sa mga nakatira sa mansiyon pero kailangan na nilang maghain para sa dalawang nakatira doon habang tulog ang isa sa itaas.
Titig na titig lang si Edric kay Chancey habang kumakain ito. Gusto sana niyang sabihin ang tungkol sa estado ng suot nitong singsing pero may dahilan para kabahan siya sa maaari nitong gawin.
Nagbuntonghininga lang siya at nagtanong. "You already know you're gonna die, witch. What's your plan?"
"Excited ka talaga, 'no?" sarkastikong sinabi nito saka sumubo ng kinakain nitong brocolli.
"I'm just asking, witch. Once you die, Donovan will follow. We will left with nothing."
Pinaglaruan na lang nito gawa pagtutusok-tusok ng tinidor ang gulay sa plato habang ngumunguya. Hindi agad ito nakasagot.
BINABASA MO ANG
Prios 4: Living with the Vanderbergs
FantasíaTatlong taon matapos mapabilang ni Chancey sa pamilya, naging pressure sa kanya ang pagkakaroon ng anak bilang anak ng Ikauna. Sa araw ng pagkabunyag ng kanyang pagdadalantao, magsisimula na ang sumpang magtatapos sa huling testamento. Magsisimula n...
