26. Ignition

1.9K 162 36
                                        


Kumpara sa hapon, di-hamak na walang traffic sa madaling-araw. At nakauwi na sina Chancey sa Grand Cabin nang alas-tres y medya na. Pagkababa sa kotse, binalot ulit ng itim na usok ni Edric si Chancey at inilipad papasok sa mansiyon. At dahil hindi siya makakapasok sa kuwarto nito ay doon niya ito dinala sa isang kuwarto sa second floor na malapit sa may hagdanan.

Mabango naman sa kuwartong iyon at tingin niya ay isa sa nililinis ng mga imortal na dating hawak ni Mrs. Serena. Ni hindi na nga niya naitanong kung sino ang ipinalit dito.

Malaki na ang tiyan ni Chancey nang matitigan na naman niya ito. Nakasuot na lang din ito ng kulay asul na maternity dress.

Ang lalim ng paghinga niya habang inoobserbahan ito. Naiinis siya kapag naiisip niyang ganoon ang kinahantungan ni Chancey sa kamay ng pamilyang nangakong aalagaan ito.

Wala pa si Donovan sa mansiyon kaya sigurado siyang nasa biyahe pa iyon pabalik.

Ang laki ng nawala sa lakas niya dahil sa ginawa niya kay Chancey. Bumaba agad siya sa kusina para sana makainom kahit isang baso man lang dugo para maibalik kahit paano ang lakas niya, pero nasuntok lang niya ang kitchen counter nang makitang walang laman ang ref na dugo. May mga karne naman pero hindi iyon ang kailangan niya.

Kailangan niyang umuwi para kumain. Kung hindi, wala na siyang lakas pang matitira bago sumikat ang araw. Babalik na lang siya kapag nakakuha na siya kahit isang bote ng dugo sa Winglov.

Hindi pa man siya nakakasampung hakbang paglabas sa Grand Cabin ay biglang sumulpot si Poi sa gilid niya at tumalon ito sa anyong aso para harangan ang daan.

Umalulong nang malakas si Poi bago dahan-dahang naging anyong tao na.

Umangil din si Edric at mabilis na humaba ang mahaba na niyang pangil maging ang mga kuko saka sinugod si Poi.

"You said you're gonna take care of her!" galit niyang sigaw nang isakto ang kamay niya sa leeg nito.

Biglang lumutang ang mga dulo ng puting buhok ni Poi at lalong tumingkad ang asul niyang mata. Humaba rin ang pangil niya at hinawakan ang braso ni Edric para ibaon doon ang humaba niyang mga kuko.

"How dare you show your face here?!" Buong lakas niyang itinulak si Poi pero hindi niya ito madaling napaurong dahil sa lakas ng puwersa nitong lumalaban sa kanya.

"She trusted you!" Naghalo na ang galit at pagkadismaya sa tinig ni Edric habang pinamumukha kay Poi ang naging kapabayaan nito.

"Desisyon ito ng pamilya! Pumayag si Donovan dito!" Ibinato niya sa damuhan si Edric, at walang kahira-hirap niya iyong nagawa dahil sa kakulangan nito ng lakas. "Huwag mong isisi sa amin ang kapabayaan mo!"

Nagpagulong-gulong si Edric sa damuhan at nagawa pa niyang bumangon nang bahagya bago naramdaman ang kirot sa kanyang braso. Dumudugo iyon gawa ng kalmot.

Ang lalim ng paghinga niya habang kinukunutan ito ng noo. "You said you'll take care of her. You only had one job, Poi!" Ibinagsak niya ang kamao sa damuhan dahil sa matinding galit na nararamdaman. "And Donovan being selfish! Always taking the side of the family to keep him in their favor! All of you! You have no right to take care of her!"

Napangisi si Poi, pero bakas sa mukha nito ang pagkadismaya sa sinabi ni Edric. Nagpamaywang siya habang pinanonood itong tumayo.

"Makasarili si Donovan? Naririnig mo ba ang sarili mo, Edric Vanderberg?" mapanghamong tanong ni Poi at naipilig ang ulo sa kanang gilid. "Alam niyang mahal mo ang asawa niya. Tatlong taon iyon, Edric. Alam ng buong pamilya iyon! Ilang beses na naming sinabing ipatapon ka na sa lugar na malayo kay Chancey, pero paulit-ulit kang ipinaglalaban ni Donovan sa pamilya! Tinanggap ka niya rito sa Cabin! Hinayaan niyang asikasuhin ka ni Chancey kahit labag iyon sa kalooban naming lahat! Iniisip niyang responsibilidad niya ang nangyari sa iyo dahil sa asawa niya!"

Prios 4: Living with the VanderbergsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon