Sanay si Edric na inaasikaso. Sa dami ng mga imortal na naglilingkod para sa kanila, mananawa na lang siya sa pag-aasikaso nito. Kaya nga hindi rin niya makuha kung bakit nga ba niya kailangang asikasuhin si Chancey.
Ang role lang naman niya sa buong proseso ay gumawa ng health report nito na ipapasa sa Prios kada buwan hanggang manganak ito. Manggagaling ang detalye ng report sa mga servant na nasa ilalim ng pamamahala ni Mrs. Serena, dagdag pa ang report na ibibigay ni Alastor bilang personal doctor nito.
Panibagong gabi at apat na ang teddy bear na nasa playroom kung saan siya natutulog. Maliban sa gulay at steak na hapunan ni Chancey, marshmallow dipped in blood pa rin ang minemeryenda nito.
Wala ngang naninibago sa mga naroon pero para kay Edric, ang laki ng pagbabago ng taong nakikitira sa kanila.
Ayaw ni Chancey ng bine-baby. Kaya ayaw rin nitong tumatambay ang mga servant sa kuwarto ni Edric. Madalas kasi, maaabutan nila ang mga tagapaglingkod na nakatayo lang sa labas at naghihintay ng utos. Hindi nga raw sanay si Chancey sa ganoon kasi nakakapagod tumayo. Sinabi na lang nito na may telephone naman sa kuwarto ni Edric, tatawag na lang ito sa kuwarto ng mga servant kapag kailangan nito ng tulong. Pero hindi rin naman nito ginagawa. Kapag may kailangang kunin o gawin, ito lang din ang kumikilos mag-isa. Para tuloy tangang sunod nang sunod si Edric kung saan ito pumunta.
"You should've called for the servant's assistance, witch."
"Sino ba naman kasing may sabing buntutan mo 'ko, aber?"
Tambay na naman si Chancey ng receiving area ng kastilyo. Alas-diyes pasado na at nagpapahinga na ang halos lahat sa Winglov, pero gising na gising pa ang diwa niya.
Nagugutom nga raw kasi siya at gusto niya ng maasim. Pero pagkakita sa hilaw na strawberry sa kitchen, gusto naman na raw niya ulit ng marshmallow. Mochi nga sana ulit kaso aariba na naman ang pagiging OA ni Edric kaya iniisip pa lang niya, umaayaw na siya.
"Hindi ko naman kakainin yung teddy bear ni Morticia. Kung makasunod ka naman sa 'kin, para kang sales lady sa mall."
Umupo na naman si Chancey sa may piano at inisa-isa ang pagtipa sa mga key n'on.
Ibinagsak na naman ni Edric ang sarili niya sa couch na katapat n'on habang sinisimangutan si Chancey.
"Know what, the family gave you servants so you don't need to move all the time," naiinis nang paalala ni Edric.
Imbis na sumagot, tumipa lang ng ilang piano keys si Chancey at kumanta nang halos patula lang.
"Oh yeah, I'll tell you something . . . I think you'll understand."
"Witch," naiiritang pagtawag ni Edric.
"When I say that something . . . I wanna hold your hand."
Umikot na naman ang mata ni Edric dahil umiiwas na naman sa sermon si Chancey.
"Oh please, say to me, please let me be my man."
Natural nga raw sa mga ada ng gubat ang kumanta. Kinokontrol ng boses nila ang kalikasan at mga uring nakatira doon.
"And please, say to me, you'll let me hold your hand. Now let me hold your hand. I wanna hold your hand . . ."
Walang kumakanta sa kanila. Wala rin siyang makitang dahilan para kumanta. Mama lang ni Edric ang natatandaan niyang kumakanta para sa kanya. Marunong mag-piano ang papa niya kaya naroon ang piano sa lugar katabi ng great hall. Pero matagal nang hindi tumutugtog ang Red King.
Ngayon na lang ulit may gumamit ng piano na marunong ngang gumamit n'on.
"Van's not on the line, witch. You left your phone upstairs. Stop making noises."
BINABASA MO ANG
Prios 4: Living with the Vanderbergs
FantasíaTatlong taon matapos mapabilang ni Chancey sa pamilya, naging pressure sa kanya ang pagkakaroon ng anak bilang anak ng Ikauna. Sa araw ng pagkabunyag ng kanyang pagdadalantao, magsisimula na ang sumpang magtatapos sa huling testamento. Magsisimula n...