8. The Teddy Deal

2.6K 206 21
                                        

Winglov Castle-ang kastilyo sa tuktok ng burol. Pinalilibutan ang daan papunta roon ng mga punongkahoy na binabahayan ng iba't ibang hayop. Doon madalas manghuli ang mga nangangaso sa norte-mga mangangasong suki ng Onyx at may partikular na buwan lang para manghuli.

Sa dulo, sa paanan ng burol ang simula ng mataas na bakod at malaking iron gate na doble ang laki sa iron gate ng Helderiet. Nakatatak sa kabuuan n'on ang simbolo ng mga Vanderberg.

Doon namamahay ang mga bampira noon pang unang panahon. Pero napaalis sila nang magkaroon ng malawakang paghuli sa mga halimaw ng norte. Ginawang kulungan iyon ng mga uring hindi tao at nabawi lang matapos itatag ang Prios.

Malaki ang pasasalamat ng mga Vanderberg sa Ikauna dahil ito ang bumawi ng kastilyo para sa kanila noong mga panahong nakakulong si Rorric Vanderberg sa ilalim ng town hall para sana bitayin.

Kada magbabago ang dekada, nagpapagawa ng panibagong dekorasyon sa loob ng bakuran ng kastilyo. Madalas, sa rose garden o di kaya ay sa fountain naman. Maaliwalas sa kastilyo, puti, pula, at ginto ang karamihan sa kulay. Sa kuwarto ni Rorric ay mas madilim ang kulay ng pula. Kay Morticia, mas lamang ang lila. Madilim na asul naman ang kay Edric.

Sa ibang panig ay pulos na puti. Hindi gaanong mararamdaman ang itim sa buong bahay.

Natutuwa naman doon ang mga bisita nila dahil hindi nga raw nakakatakot sa loob kahit pa mga bampira silang nakatira doon.

"Nakapasok na sa hardin si Master Alastor," balita ng isang manservant sa receiving area. Naroon ang mga Vanderberg para malaman nila ang mga kakainin ni Chancey. Sigurado na si Edric na teddy bear ang uulamin nito pero dinedepensahan nga ni Donovan na hindi raw lulunukin ng asawa nito ang teddy bears. Pero hindi rin nito maipapangako na hindi ngangatngat ng stuff toy ang asawa.

"What do you want to eat, Chancey?" nag-aalalang tanong ng chairman habang hinahawi ang buhok ng asawa niya. "I will ask the chef to cook something for you."

"Okay lang. Di pa ako gutom," sabi agad ni Chancey habang tinititigan ang puting piano na nasa harapan nila.

May mahabang upuan sa receiving area kung saan sila nagtitipon-tipon para hintayin ang tinawagan ni Rorric.

"Sino raw yung Alastor?" mahinang tanong ni Chancey sa asawa.

"He's our uncle. One of Bernardina's doctors."

"Ano 'yon? Personal doctor? Physician?"

"Well . . ." Nag-isip pa ng isasagot si Donovan sa tanong na iyon. "He studied on different medical fields. But he's one of the best medical doctors in Prios."

Samantala, hindi pa rin talaga kampante sina Edric at Morticia na hindi nga kakainin ni Chancey ang mga teddy bear nila sa Winglov. Lalo pa, sinabi na ni Donovan na hindi nito maiiwasang kagatin ang lahat ng malambot na mahawakan nito.

"Van will go back to Cabin later, brother," paalala ni Morticia sa kapatid na masama ang tingin kay Chancey mula sa inuupuan nila. "Father said the mortal will stay beside my room."

"The other rooms are not free to stay for her. We're caught between a rock and a hard place."

Humahangos ang isang maidservant at yumukod agad paglapit sa kanila. "Narito na si Master Alastor."

Biglang haba ng leeg ni Chancey para makita ang sinabing paparating na.

Dahan-dahang pumorma sa hugis O ang bibig ni Chancey nang mamamataan ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng sky blue formal suit na may nakapang-ilalim ng white dress shirt at bukas ang dalawang butones sa itaas. Nakasuot pa ito ng semi-rimless sunglasses na katatanggal lang nito. Sabay na napataas ang kilay ni Chancey nang makitang pula rin ang mata nito, pero bumagay iyon sa eskwalado nitong panga at malagong kilay. Sa tangos ng ilong nito, malaki ang pagkakahawig nito kay Rorric Vanderberg na mas pinabata lang. Umangat agad ang kaliwang dulo ng labi nito para ngumiti at sumilay agad ang malalim na dimple doon kasabay ng paglitaw ng maputi nitong pangil.

Prios 4: Living with the VanderbergsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon