19. Hide and Seek

1.7K 172 49
                                    


Nabuhay si Edric na kinamumuhian ng lahat. Mayabang, antipatiko, walang puso, makasarili, mapagmataas. Nabuhay na sinusunod ng lahat ng kaya niyang kontrolin. Sanay siyang tinuturong mali sa paningin ng iba.

Siya ang pumugot sa ulo ng pinsan niyang si Marius.

Siya ang humawak ng kontrol sa pinsang si Donovan.

Inako niya ang responsibilidad na iyon at tinanggap niya ang lahat ng masasakit na salitang manggagaling sa ibang pamilya dahil sa ginawa niya.

At kung ano man ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa ay hindi na mahalaga sa iba. Dahil kahit na ang ibig sabihin niyon ay tapusin ang paghihirap ni Marius na halos kalahating dekada nang hindi kumakain at pananatili kay Donovan na huwag kumain ng tao habang nasa norte, siya at siya pa rin ang mali. Hindi pa rin niyon mababago ang katotohanang siya ang pumatay kay Marius at kinontrol niya si Donovan.

At tinanggap niya iyon.

Kaya tinatanggap na rin niya ang katotohanang kalalabanin niya ang pamilya at papatayin ang anak ng numen dahil siya si Edric Vanderberg. Siya palagi ang mali at wala nang bago kung kamumuhian siya ng lahat. At wala na rin siyang pakialam kahit kamuhian siya ni Chancey. Basta mapatay lang niya ang anak nito ay ayos na ang lahat para sa kanya.

Bumalik siya sa Winglov at naabutan doon si Morticia na naghihintay sa kanya sa labas pa lang.

"Brother! What is happening?" Niyakap agad siya ni Morticia pagsalubong nito. "Donovan said you wanted to kill the numen's child and the whole family knew. Father was questioned about your intention and her stay here in Winglov."

Inasahan na ni Edric iyon. Umaasa na nga rin siyang ikukulong siya hanggang makapanganak si Chancey.

"Where's Father?" tanong ni Edric na deretso lang ang tingin sa daan papasok sa kastilyo.

"He was locked up."

Napahinto agad si Edric at kunot-noong tiningnan si Morticia. "He was what?"

"He told the family he planned on killing the numen, and he was planning to use you as his assassin. They used him as their leverage for us not to touch the numen until she give birth. What are we going to do?"

Mariin ang pagpikit ni Edric dahil sa balita ng kapatid. Ang lalim ng paghinga niya habang iniisip ang sinabi nito.

Inako ng ama niya ang masama niyang plano sa anak ni Chancey.

Alam niyang hindi papatayin ng pamilya si Rorric Vanderberg dahil ipinagbabawal sa First's Testament ang pagpatay sa ibang bahagi ng pamilya nang hindi napagkakasunduan ng mismong uri nito. Iyon nga lang, ikukulong naman ito hangga't hindi nakakapanganak si Chancey.

Masyado na siyang tinutulak ng lahat sa dulo ng sarili niyang bangin. Gagawin talaga ng pamilya ang lahat para hindi matuloy ang binabalak niya.

Buong araw niyang inisip ang masamang balita sa kanilang pamilya. Walang naghapunan sa mga Vanderberg sa gabing iyon. Ilang oras na tumanaw si Edric sa malayong bahagi ng Helderiet na tanaw sa balcony ng kuwarto niya.

Napupuno ang utak niya ng problema.

Ayaw niyang mawala si Chancey.

Papatayin pa niya ang anak nito.

Kalalabanin din niya ang buong Prios.

Ikinulong pa ang ama niya.

Kahit na anong isip niya, panghahawakan pa rin niya ang pagpatay sa anak ni Chancey.

Lalong dumilim ang gabi para sa kanya, nagbabanta pa ang pag-ulan. Walang buwan sa gabing iyon, puro lang maiitim na ulap.

Sa gitna ng pagtanaw sa ibaba ng kastilyo, nasundan niya ng tingin ang isang itim na ibon na paparating sa kanya—isang kuwago. Napaatras siya nang isang hakbang nang lumipad ito palapit sa kanya. Naramdaman pa niya ang lamig ng hangin gawa ng pagpagaspas ng pakpak nito bago huminto sa balustrada. Ilang saglit pa, naglakad ito nang dalawang hakbang pakanan, dalawang hakbang pabalik sa kaliwa. Saka nito inurong ang ulo palapit kay Edric.

Prios 4: Living with the VanderbergsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon