Episode 5 :
HAILEY
Naghalum-baba naman ako habang pinapanood ang pagpaglipad ng mga tuyong dahon sa ere. Nakaka-satisfy kasing panoorin. Bumuntong hininga naman ako. Nang sabihin ko ’yon sa kanya mukhang mas naging komplekado ang lahat. Dapat hindi na lang ako nangialam pa. Kaya lang konsensya ko naman ang kalaban ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
"Magpa-party ka naman sa new house mo." Umupo si Franz sa tabi ko kasama sina Marky at Flair.
"I don’t have time." Ngumuso naman si Franz.
"Kapag sa bebe mo may oras ka?" Tanong ni Marky
"May relasyon ba sila?" Tanong ni Flair.
"Ay, ghorl matagal na." Napailing na lang naman ako sa kanya. "May nabasa pala akong article at magugulat ka tungkol sa bebe mo." Napatingin naman ako kay Marky.
"Article?"
"Oo. May iniimbestigahan kasi ang erpats ko tungkol sa isang kaso at ’yon ang pag-crash ng eroplanong sinasakyan ng parents ni Shea." Natigilan ako.
"Akala ko ba naisara na ’yon?" Tanong pa ni Franz.
"Oo nga, pero nabanggit ni erpats na hindi simpleng pag-crash lang ’yon." Paninigurado pa niya. Pulis kasi ang Marky. Mabuti na lang at tanggap siya.
"Ulila na siya?" Tanong ni Flair dahilan para mapatingin kami sa kanya.
"Required ba na maging slow ang isang tao kapag inlove?" Sumandal naman si Flair at pinagkrus na lang ang mga braso. "Syempre. Ang mga kapatid na lang niya ang nag-alaga sa kanya simula pa noong mamatay ang parents niya."
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Marky tungkol sa kanya. Nakaya niya ’yon? Napadako naman ako sa dalawang tao na naguusap sa gilid ng vending machine bago muling tiningnan ang relo ko. Nasaan na ba ang mga kaibigan ko? Ibinalik ko ang tingin sa dalawang ’yon. Nagtatawanan na sila.
Nag-vibrate naman ang cellphone ko kaya naman kaagad ko 'yong kinuha at binasa ang isang mensahe. Mula kay Dad ang mensahe.
From: Daddy
Are u busy? Let's meet later.
Ibinalik ko naman ang cellphone ko sa aking bulsa at pinagsalikop na lang ang mga kamay sa ibabaw ng desk ko. Nang may biglang umupo sa harapan ko. Hindi ko akalain na makikita ko na naman siya.
"About what happened—"
"Outsider ka. Bakit nakapasok ka rito?"
"You didn't answer my calls." Mahina niyang saad.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan." Tumingin muna ako sa paligid. Wala namang pumapansin sa aming dalawa.
"Meron." Tumayo naman siya bago ako hinawakan sa kamay at hinila patayo bago. Inalis ko naman ang kamay niya sa kamay ko. "Mag-usap tayo. Tayo lang dalawa."
"Fine. Huwag mo akong hahawakan." Nauna na ako sa kanyang naglakad palabas.
Dinala ko siya sa rooftop ng department namin. Wala namang nagagawi rito kaya naman walang makakarinig sa mga pag-uusapan naming dalawa.
"Hailey, be with me again. I break up with her, na-realize ko kasing ikaw pa rin ang gusto ko."
"Sigurado ka? Akala ko ba aalis ka na? Umalis ka na lang at huwag nang bumalik pa!" Asik ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Memories Of Yesterday || (Completed) ||
Short StoryUniversity Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23