Episode 36

50 0 0
                                    

Episode 36:



HAILEY




Masamang tingin ang ibinato ko kay Jazzfer dahil wala na namang preno ang bibig niya. Sa wakas ay nadala sa tingin kaya nakahinga naman ako ng maluwag.


"Bago pa makarating si Hailey sa lugar kung nasaan ka e nasangkot muna siya sa isang aksidente sa daan." Patuloy ni Charlotte kaya naman napahawak ako sa noo ko. "Kumalat sa social media ang nangyari kaya alam ng lahat." Napayuko naman ako.




"Magpa-admit ka." Napatingin ako kay Shea. Blangkong nakatingin siya sa akin. "Patingnan mo ang ulo mo. Kung kailangan ipa—"



"I'm fine. Nagpa-checkup naman ako e." Tiningnan ko ’yong dalawa at sinamaan ng tingin. Si Jazzfer itinikom ang bibig, si Charlotte naman ay tinaasan lang ako ng kilay.


Bumalik na si Shea sa kama. Sina Charlotte at Jazzfer naman ay umalis na rin. Hindi niya ako kinausap hanggang sa dumating ang mga kapatid niya. Kasama si Ate Via. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nababanggit sa kanya ang ginawang pagtatapat ng gagong ’yon. Nahihiya ako kay Ate Via at kay Mr. Yvañez —sa ama niya. Inakusahan namin siya sa krimeng hindi naman si Mr. Yvañez ang may kasalanan. Nakulong siya ng tatlong taon dahil doon.



"You okay?" Napatingin ako kay Ate Via. "You should rest, Hailey. Hindi ka pa rin halos magaling, isa pa tinitingnan pa rin ng doctor ang ulo mo ’di ba?" Tumango naman ako.


"Ate Via, can I talk to you in private?" Tumingin ako kay Shea na nakatingin rin sa akin. Alam niya ang sinabi ni Achior.



"Sige, tara."



Lumabas kaming dalawa at naglakad lakad. Hindi muna ako nagsalita dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pinapangunahan ako ng hiya.



“Ama mo ang puno’t dulo ng lahat. Ang Ybañez na ’yon pakialamero siya!” Napakuyom ako. “Ang kapatid mo...maganda siya. Kung hinayaan lang sana ako ng ama mo na makasal sa kanya siguro—”



“Enough!” Nanggagalaiting saad ko. “Wala kang kasing sama.”




"Ate, p’wede ko bang kausapin si Mr. Yvañez?" Natigilan naman siya.




"Not now. Lalo pa’t alam kong bumalik sa alala mo ang nangyari dahil bumalik ka sa lugar kung saan nangyari ang bagay na ’yon." Yumuko naman ako at napatingin sa kamay ko. "Huling nakaharap mo si Daddy nakita ko kung gaano katindi ang galit mo sa kanya, na hindi mo kayang makontrol ang galit mo kapag kaharap mo ang saralin sa pagkamatay ng kapatid mo."




"I won't do anything. Gusto ko lang siyang kausapin, gusto ko lang siyang tanungin."




"About what?"




"Kung bakit hindi niya sinabi ang totoo."





"What do you mean?" Nahihiyang tumingin ako kay Ate Via. Sinisi ko ang taong inosente.



"Alam ko na ang katotohanan." Napalunok naman siya.


Walang nagawa si Ate Via kundi ang samahan ako sa bahay ni Mr. Yvañez. Bukod sa nagpumilit ako ay bakas na rin sa mukha niya kuryusidad. Gusto ko na ando’n silang pareho para isang bagsakan na lang ang paghingi ko ng tawad sa kanila.



"Via?...H-hailey?" Gulat na banggit niya sa pangalan ko. "A-are you alright? I heard what happened..." Hindi ako nagsalita. "Ah, pasensya na. Pasok kayo." Pumasok naman kami ni Ate Via. "Ano’ng gusto niyo? Gusto niyo ba ng juice ipagtitimpla ko kayo."



Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon