Episode 37

53 0 0
                                    

Episode 37:



HAILEY




A weeks past. Pinipilit ako ni Shea bumalik sa school pero ayaw ko, hindi pa nga siya nakakalabas e. Gusto ko sabay kaming babalik sa school. Isa pa kaya ko namang habulin ’yon lesson e.




Ako pa ba.




"Kiss mo nga ako." Aniya.





"Aba? Kahapon ka pa ah. Inaabuso mo naman ata ang kabaitan ko." Umismid naman siya kaya mabilis na hinalikan ko siya sa pisngi.




"Paano kita sasagutin kung ang sungit sungit mo?"




Narinig ko ang pag-click ng pintuan at pagbukas no’n kaya mabilis akong napatayo. Nang makita ko si Flair ay agad na sumimangot ako.





Istorbo.




"What are you doing here?" Naningkit ang mga mata niya.




"May dapat ba akong malaman?" Napalunok naman ako. "Hailey? You're hiding something. I thought we're bestfriend?" Ngumisi siya sa akin kaya napalingon ako kay Shea.



She sighed, "Okay." Tumaas ang kilay niya."She's courting me."



"Courting?"



"H-hoy! Ikaw ang nanliligaw ha." Nagpigil tawa naman ako dahil sa naging reaksyon ni Shea.


"Bakit ako? Eh, ikaw kaya ‘yong nanliligaw sa akin."


"Ikaw na kaya." She pouted.


"Goodluck. Huwag mong sagutin, Shea." Natatawang sabi niya kaya napasimangot ako sa kanya.

"H-hoy!"  Lumapit si Flair kay Shea at ipinatong ang donut sa tabi ng kama niya.

"I'm happy that you're okay now." Ngumiti si Shea kay Flair. "Kailan ka lalabas?"


"Baka Friday pa." Tumango si Flair bago ako tiningnan.

"Ikaw, kailan ka aattend sa class mo?" Baling niya sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin. Ayaw kong umattend ng class.

"Kapag nakalabas na si Shea." Sagot ko.

"Sabi ko nga sa kanya baka ma-late na siya sa lesson. Ayaw ko rin na uulit siya dahil sa akin. College na kaya dapat hindi na siya magpa-absent absent e."


"Hindi naman ako makaka-focus lalo na kapag andito ka." Nakita ko ang pag ngiwi ni Flair.

"So, cheesy."


"Eh, bakit ka nga nandito?May problema ba?" Umiling siya.


"Kinukumusta ko lang si Sheana and may sasabihin ako sa iyo in private sana."


"Okay? Hintayin lang na’tin si Charlotte tapos labas tayo." Tumango siya. "Nag usap na ba kayo?" Tumango ulit siya, "Kailan niyo ba balak ayusin ang love life niyo ha?"


"Next time?"



"Baka kapag sa susunod niyo pa ginawa baka tadhana na ang gumawa ng paraan ha?" Natawa naman siya.


"Bahala na."



Nang dumating si Charlotte ay lumabas kami kagaad ni Flair. Dumiretso kami sa garden ng Hospital at naglakad lakad. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya kaya naman alam ko na may mabigat siyang pasanin.

Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon