Episode 21 :
SHEA
Pinaikot ko ang ballpen sa kamay ko at sumandal muna sa sandalan ng swivel chair. Bumukas ang pintuan at dumungaw do’n ang assisstant ko kaya pinapasok ko siya.
"Coffee?" Ipinatong niya ang cup sa gilid ng desk ko. "Ang dami mo pong gagawin na mga papeles ngayon, ah."
"Yeah, I need some help. Ms. Vida, tulungan mo naman ako." She's older than me kaya tumatawag pa rin ako ng Miss sa kanya para sa paggalang ko. May pagka-istrikto siya sa mga empleyado kaya takot ang ilan sa kanya.
"Boss, kaya mo na ’yan." Bago siya tumayo.
"Ms. Vida, bata pa ako kaya naman kilangan ko ang tulong mo. Baka mag-collapse ako rito kapag nagpatuloy pa ako sa ganitong gawain."
"Gusto mo ba ang gingawa mo?"
"I need to help my brother, so yes I like what I am doing."
"Are you happy?" Natahimik ako. "You want to be a pilot."
"I need to sacrifice that one. Gusto kong mapagaan ang trabaho ni Kuya. Naaawa na ako sa kanya dahil simula pa lang siya na ang tumayong ama sa akin noong kahit nabubuhay pa ang mga magulang namin at nang mamatay sila." Bumuntong hininga naman siya.
"Siguro nga kailangan ni Sir Denver ng katulong sa business pero hindi ikaw ’yon kung hindi ka masaya sa ginagawa mo."
"Masaya ako. Masaya ako na tulungan ang mga kapatid ko. Isa pa iniwan ito sa akin ng parents namin. Kaya pakiusap tulungan mo na ako. "
"Oo na. Tutulungan na kita." Bumalik siya at inayos ko naman ’yong mga papers at tumayo bago inilagay ang lahat ng ’yon sa ibabaw ng maliit na glass table. "Let's work."
Habang nagtatrabaho hindi ko mapigilan ang magtanong tungkol sa mga bagay bagay. Na-curious ako sa kanya dahil wala pa rin siyang boyfriend ngayon.
"Ms. Vida, ilang taon ka na po ba?"
"Twenty-five. Bakit?" Busy siya sa ginagawa niya.
"Matanda pala sa iyo si Kuya. Si Kuya kasi twenty-seven na." Hindi siya nagsalita. "Wala pa rin kasi siyang girlfriend na ipinapapakilala sa akin, ’di ba close kayo noon?" Tumango naman siya. "Hindi ba naging kayo?" Napatingin siya sa aking bigla. "Bagay naman kayo." Natatawa kong sabi.
"Sa totoo lang mahirap maka-close ang kuya mo. Bukod sa may pagka-isip bata napakatigas pa ng ulo niya."
"Hindi mo po ba naisip na baka history niyo na ’yon? ’Tapos kayo na talaga sa huli? Dapat pala ate na itawag ko sa ’yo, hehe." Naiiling naman niyang ibinalik ang tingin sa laptop.
"Gawin mo na ang mga papers dahil nga may due date 'yan." Sa halip na sabi niya.
"Hindi ka naman katulad ni Ate ’di ba?"
"Ha?" Tumigil siya’t pinag-krus ang mga braso.
"Into girls."
"Hindi. May goal pa kasi akong dapat na unahin bago ang mga ganyang relasyon." Sumandal siya sa sopa.
"Nakipag-date ka na po ba?" Umiling siya. "Pero nakaranas ka na po no’n, ’di ba?" Umiling siyang muli.
"Wala pa nga sa isip ko ang gano’ng bagay. "
BINABASA MO ANG
Memories Of Yesterday || (Completed) ||
Short StoryUniversity Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23