Episode 22

49 0 0
                                    

Episode 22 :


SHEA



Tatlong buwan na ang nakalipas. Marami na kaagad ang nabago, noong mag-birthday si Flair bumalik si Charlotte. Sila na ang the best couple na nakita ko. Ang sweet sweet nila that time pero nitong mga nakaraan araw parang maraming nagbago. Napahilot ako sa noo ko’t sumandal sa swivel chair na kinauupuan ko. Kagagaling ko lang sa isla at dumiretso na ako rito sa office ko dahil may kailangan akong tapusin. Urgent lang din kasi talaga ’yong pagpunta ko kahapon sa isla.


Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ’yon at bahagyang napangiti nang makita ko ang pangalan ni Hailey sa screen. ’Yong sa amin ni Hailey, stranger pa rin kami. Strangers na nagkikiss. Ilang beses ko na kasi siyang tinanong kung p’wede na kaming maging kaibigan pero paulit-ulit lang siyang tumatanggi.



"Hey?"


"Nakauwi ka na?" Napangiti ako.


"Uhm, yeah."


"Asan ka? Condo mo?"


"Wala. Dumiretso ako rito sa Rim. May kailangan akong tapusin na papers e." Tumahimik naman sa kabilang linya. "May ginagawa ka?"



"Hindi ka nagpapahinga. Hindi ka naman super hero." Natawa naman ako. "Puntahan na lang kita d’yan. Nag-lunch ka na ba?" Umiling naman ako.


"Hindi pa. Iidlip naman ako, saka huwag ka nang mag abala. May klase ka hindi ba?"



"Sasaglit lang ako. Andito ako sa Yujan Restaurant ngayon may new dish kami dadalhan kita. Aalis din naman ako, ayaw ko magtagal sa office mo kasi nakakabagot." Matagal na rin simula noong magawi siya rito. Siguro dahil isinama siya nina Franz noon.



"Sige."


"Papatayin ko na. Ipapahanda ko muna ’yong dish."


"Uhm, okay. Ingat sa byahe."


"Yeah."


She ended the call. Tumingin naman ako sa wrist watch ko, 5 minutes iidlip muna ako. Inayos ko sa gilid ang mga papers at ipinatong ang mukha ko sa braso kong nakapatong sa desk ko bago ipinikit ang mata.



Napamulat na lang ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin, hindi naman ako nagkamali kasi nakita ko si Hailey na nakaupo sa visitor chair sa gilid ng desk ko. Nakahalumbaba ang bruha habang nakatitig sa akin.



"Alam kong maganda ako." Tumikwas bigla ang gilid ng kanyang labi.



"Kwento mo ’yan e." Natawa naman ako. Tumingin ako sa wrists watch ko. 2 pm. Ang tagal kong nakatulog. Almost 2 hrs kasi sabi jo iidlip lang ako. Napahawak naman ako sa aking batok. "Dapat nahiga ka ro’n sa sopa, para hindi ka nangangalay."


"Concern ka na naman. Baka mafall na ako."


"Edi ma-fall ka." Napailing na lang ako.


"Straight ka, ’wag ako." Inirapan niya ako. Malabong lumiko ang isang ’to, alam ko. Sinasabayan lang naman niya ang mga trip ko e. Straight siya na nangungunang manghalik, walang kami. Hindi kami friends kasi strangers kami.


"Oh, ito na. Mainit init pa ito, kainin mo na hangga’t mainit pa." Aniya't inilapag sa desk ko ’yong maliit na tupperware.



Kinuha ko naman ’yon at binuksan. Kinain ko lang ’yong dala niya, binibigyan ko siya kapag ayaw niya isinusubo ko sa kanya. Masasabi ko namang close kami pero hindi gano’n ka-close. Nagkwentuhan kami pagkatapos kong kumain habang gumagawa ng papers.


Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon