Episode 15

55 0 0
                                    

Episode 15 :



SHEA





"Hindi ba’t sinabi mo kahit pa gaano kalaki ang kasalanan ng isang tao sa iyo p’wede mong mapatawad?"


Tiningnan ko si Hailey at napataas ang aking kilay. Na-realize ko na hindi naman pala talaga siya nakakainis sa ngayon.



"Witch?" Humalukipkip siya’t tumingin sa karagatan. Kanina palagi siyang nakakapit sa railing ngayon mukhang komportable na siya habang hawak hawak ang pamiwas ng isda.



"Kasi may kasalanan ako sa iyo ’di ba?" Bumuntong hininga ako’t ibinalik ang tingin sa dagat.



"Kung ito ’yong paghalik mo sa akin, kalimutan mo na ’yon isa pa hindi na rin naman ako galit sa iyo."



"Ah, salamat." Tipid akong ngumiti. "Ay, shit!" Napatingin ako sa kanya. "May huli na ata!" Natawa ako at tinulungan siya.




Pagkatapos naming mamiwas naglayag pa kami at medyo lumayo na sa isla. Noon si Charlotte lang ang nakakasama ko sa paglalayag. Nakakagaan ng loob kapag nakakapaglayag kami noon. Nakaka-miss din pala ang isang ’yon sana makarating siya sa birthday ko.



"Huy!" Napalingon ako. "Luto na ’tong nahuli na ’tin, kain na tayo." Tumango naman ako. "Teka, dadalhan ko lang si Kuya." Tumango ulit ako.




Sa tingin ko naman nakatulong ako na pagaanin ang loob niya. Ang gago rin naman kasi ng lalaking ’yon, bakit ba binabalikan pa niya '’ong nakalipas? Nag-vibrate naman ’yong cellphone ko kaya kaagad na kinuha ko ’yon at sinagot.


"Oh?"


"Pauwi ka na ba?" Tanong ni Kuya mula sa kabilang linya. Sumandal ako sa railing.


"Bakit? May problema ba sa Rim?"


"Wala pero hindi pala natuloy ang meeting with shareholders. Hindi mo naman sinabi."



I chuckled. "Kuya, nagsend na po ako ng message sa iyo ’di ba? Akala ko naman naintindihan mo na ’yon."



"Pero bakit hindi ko na-gets? Bakit sila na-gets nila?"



"Marami ka sigurong ginagawa, Architect Denver San Diego." Tumawa naman siya.



"Ah, nabalitaan mo na ba?"



"Hmm?"



"Nawawala si Hailey." Natigilan ako. "Pero ’yong kotse ni Via inihatid na raw sa bahay nila." Bumuntong hininga naman ako.




"She's with me." Bigla namang natahimik sa kabilang linya. Humarap ako sa karagatan at ngumiti. "Hindi pala niya nasabi sa kahit na sino na kasama ko siya."




"I though you hate her?"




"Yes, pero hindi ibig sabihin no'n hindi ko na siya p’wedeng magustuhan."




"Ha!? Gusto mo siya? As in?" nailayo ko naman ’yong cellphone sa tenga ko. Bingi.



"Hindi ako bingi! Isa pa hindi literal na gusto. Ang gusto na tinutukoy ko ay gusto ko siya bilang isang kaibigan. Gusto ko siyang maging kaibigan."



"Ah, sige na ingat kayo hehe. Ano nga palang oras ang balik niyo?"



"Mamaya pabalik na rin kami."



Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon