Episode 24 :
HAILEY
Matapos ang araw na ’yon hindi na kami nagpansinan ni Shea. Kung pupunta man siya sa room ay dahil na rin sa pangungumusta niya kay Flair, nakapasok na siya’t inaasikaso ang mga projects niya. Kinausap ko na rin ang mga teachers namin para sana matanggap ang projects ni Flair para hindi siya bumagsak. Bumawi na lang daw ito sa finals namin.
May mali rin ako.
"Magkaaway pa rin kayo ni Flair?" Tanong ni Franz sa akin. "Mali ka rin naman kasi." Segunda pa niya kaya naman ngumiwi ako.
"Bakla, suyuin mo na ’yong bff na'tin. Ikaw ang may kasalanan, ibaba mo na muna ang pride mo." Inirapan ko sila’t tumingin sa gawi ni Flair na nakatingin rin sa amin pero nag iwas din kaagad ng tingin.
"Oo nga. Saka nalaman ko rin kay Jazzfer na kaaway mo ang bebeloves mo." Tiningnan ko ng masama si Franz.
"Who's that?"
"Si Sheana Leigh San Diego." Napahawak naman ako sa ulo ko.
"Ayaw ko."
"Grabeng pride mo ’yan. Marky, tara sa café nagugutom ako. Layuan na’tin ang mga taong kasing taas ng eiffel tower ang pride."
"Oo nga,tara may poging estudyante ro’n." Napailing na lang ako. "Ikaw sasama ka? Huwag ka na. Ekis sa masama ang ugali."
"Fvck you."
"Iww, ayaw ko." Inirapan niya ako, natawa naman si Franz.
Nang mawala na ’yong dalawa tumingin ako sa labas ng bintana bago sumulyap kay Flair na nagsusulat sa notes niya. Binuksan ko naman ’yong bag ko’t kinuha ’yong sketch book na binili ko bago tumayo at naglakad palapit sa desk niya’t ipinatong ’yon doon. Tumingin siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.
"Uhmm...?"
"Binili ko ’yan, maganda kasi ang texture. Mas maganda kung d’yan ka magp-paint." Natahimik naman siya kaya napatingin ako sa kanya. Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang ngiti sa labi niya. Ngiting gusto ko ulit makita sa kanya.
"Salamat, Hailey." I smiled.
"I'm sorry." Tumayo naman siya’t niyakap ako. Nagulat pa ako pero niyakap ko na lang din siya pabalik. "Pasensya ka na dahil nag-over react ako last week. Iniisip lang kita dahil bumababa na ’yong grades mo." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. "Alam mo naman hindi ako papayag na bumagsak ka ’di ba? Hindi mo rin ako hinayaang bumagsak noon kaya hindi rin kita hahayaang bumagsak." Narinig ko ang mahinang paghikbi niya.
"Thank you..." She sniffed.
"Bati na tayo?" Humiwalay siya sa akin. Nakita ko ang basa niyang pisngi kaya naman inilapat ko ang palad ko sa kanya at pinahiran ang mukha niya. "Huwag ka nang umiyak, tingnan mo ’yang eyebags mo, oh." Parang bata siyang suminghot. Ngumiti naman ako sa kanya. "18 years old na iyakin." Hinampas niya ako bago tumango.
"Bati na tayo. Huwag mo na ulit ako sasampalin ha? Masakit kasi." Natawa naman ako.
"Sampalin mo rin ako para makaganti ka." Ngumuso siya’t umiling.
"Hindi ko kaya."
"Alam ko." Niyakap niya ulit ako.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Si Sheana na lang ang hihingan ko ng sorry. Tama naman siya, hindi ko dapat pinangungunahan si Flair kasi wala naman ako sa kalagayan niya.
BINABASA MO ANG
Memories Of Yesterday || (Completed) ||
Kısa HikayeUniversity Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23