Episode 26

48 0 0
                                    

Episode 26 :

HAILEY



"Ayos ka na?"



Tumingin lang ako kay Shea habang concern na concern niyang sinisipat si Peach. Nakakaramdam ako ng inis. Umiwas na lang ako ng tingin at may napansin akong lalaki hindi kalayuan, agad siyang umalis ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Ang weird niya. Sino ba ’yon?


"I'm okay, Shea. Salamat sa concern." Napairap naman ako. Pabebe.

"Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabi nang doon ka na muna kina Salvador ayaw mo naman." Komento naman ni Flair. Sino naman si Salvador?


"Ayaw ko na sa kanya." Ang kapal naman ng mukha mong tumanggi.


"Sa unit ko na lang." Suggestion ni Shea kaya napatingin ako sa kanya. Talagang nagsuggest ka pa d’yan?



"Wala ka bang sariling bahay?" Tanong ko, hinampas naman ako ni Flair sa balikat. Napatingin silang lahat sa akin. "Mayaman ka hindi ba?" Umiling siya. Sinungaling.


"Hindi ako p’wede sa bahay niyo. Baka madamay pa kayo sa problema ko." Buti naman iniisip mo ’yan.


Nakakaduda ka na, Hailey.



"Ano ang pakiramdam kapag nagseselos pero walang karapatan?" Napatingin kami kay Jazzfer. Tumaas ang kilay ko dahil ngumisi siya sa akin.


"Random mo naman." Natatawang sabi ni Shea.


"Wala lang. Curious lang naman ako." Napairap naman ako. Nagseselos ng walang karapatan? Kalokohan.


"Ano’ng plano niyo sa bakasyon?" Tanong ni Flair.

"Outing tayo." Suggest ni Wilbert. "Outing bago kami pumunta ni Jazzfer sa Croatia." Natigilam naman ako.

"Ano naman ang gagawin niyo sa Croatia?"


"Vacation, doon kami pinapapunta ni Tito."  Sagot niya. Kumakain lang naman si Jazzfer tabi ni Wilbert. "Ikaw, Hailey?" Baling niya sa akin.


"Wala." Wala naman talaga akong plano.

"Eh, ikaw Flair?"



"Sa restaurant na lang ako tatambay." Natawa naman ako.


"Set na tayo ng outing." Sabi ni Jazzfer.


"G ako."

"I second emotion."



Nagkasundo sila sa pago-outing. Umuoo na lang ako sa plano nila. Dumating ang graduation, dumalo si Daddy. Siya lang naman ’yong ando’n. Siya lang naman ang sasama sa akin. Pagkatapos no’n nag outing na kami. Heto ako ngayon nakaupo sa cottage. May kanya kanya kaming cabin pero nagsasama sama kami sa cottage. Sina Wilbert, Franz, Marky, Jazzfer, Peach, at Flair ay naglalaro mg volleyball. Naiwan kami rito ni Shea dahil hindi rin naman siya naglalaro katulad ko.

"Ano’ng plan mo kapag nakauwi na tayo?" Basag niya sa katahimikan. Kumuha ako ng pakwan.

"Sa restaurant lang."


"Gusto mo ba ulit sumama sa akin sa Isla?" Tumingin ako sa kanya. "If gusto mo lang."


"Hindi na muna. Baka puntahan ko rin si Dad sa New York."  Mahinang saad ko. Hindi na ulit siya nagsalita pa. "Can we be friends, Sheana?" Natigilan siya’t tiningnan ako.


"You want me to be your friend, Hailey?" Tumango naman ako. "Friend ha?" I raised my eyebrows.


"Ayaw mo ba?"


Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon