Episode 17

49 0 0
                                    

Episode 17 :

HAILEY

Panalo sila at nakakatuwa ’yon. Naglaro siya kahit may injury pa siya. Matigas talaga ang ulo niya. Kinuha ko ’yong C2 bago binuksan at ininom.



"Puntahan na’tin si Shea sa club nila." Umupo siyang lahat sa tapat at tabi ko.



"Oo nga. Batiin na’tin." Hindi ko sila pinansin kaya naman binitbit ako nina Marky at Franz palabas ng café. Mga shunga talaga!

"Ano?!"

"Sumama ka na, lonely human." Sarkastikong saad ni Marky. Umismid ako. Lonely?

"I'm not lonely —"

"Hindi maganda ’yong nonchalant ka lang, paano ka magkakaroon ng love life?" Napailing na lang ako.


Hindi ko lang talaga akalain na may magpapagawa ng Yujan Restaurant. Tinawagan ko si Ate Via at tinanong kung sino pero hindi naman daw niya alam kung sino. Hindi rin naman si Carl ’yon sabi ng manager ko.



"Ang bigat mo!" Reklamo ni Marky ng tumigil kami. Nang akmang bubuksan na ni Jazzfer bigla naman naming narinig ang boses ni Shea sa loob.


"Aray!" Nagkatinginan pa kami at itinapat ng mga chismoso’t chismosa ang mga tenga nila. Napailing na lang ako. "Dahan-dahanin mo kasi!" Natigilan ako.


"Gentle na nga ’to." Giit ng isa. Sino ba ’yon? "Wala ka pa bang experience sa ganitong bagay?"


"Sino ’yon?!" Nagtatanong rin ako.


"Owimji! May milagro sa loob." Bulong ni Marky.



"Unang beses ’to at masakit."


"Masakit talaga kasi hindi ka pa sanay." Hindi pamilyar ’yong boses ng babae pero parang narinig ko na somewhere.


"Ah! Huwag mong idiin!"


"Loko ka ba!?"


"Ang tigas ng kamay mo! Kargador ka ba!?"


"Hindi pero expert ako sa ganitong bagay."



Agad na pinihit ni Jazzfer ang doorknob kaya naman pagbukas sumama ’yong apat at natumba sa sahig. Mabuti na lang at hindi ako chismosa. Nakita namin sina Serenity at Shea. Naka-sport bra si Shea habang nakataas ang braso niya dahil hawak ni Serenity na nasa likuran niya. Nakatingin lang ako kay Shea na halatang nagulat sa ginawa nina Marky hanggang sa mapadako ang tingin niya sa akin.



"Ano ang ginagawa niyo rito?" Malamig na tanong ni Serenity at ibinaba ang kamay ni Shea bago binalot ng tuwalya ang katawan nito. "Bakit ni-isa sa inyo hindi man lang kumatok sa pintuan bago pumasok?" Tumayo na siya.



"A-ah, k-kasi akala namin may—"




"What?" Masungit na tanong niya. Tumaas pa ’yong kilay niya.




"I apologize." Singit ni Flair. "Akala namin may milagro na dito kaya binuksan naming bigla."




Natigilan silang pareho at nagkatinginan bago tumawa at muling nagseryoso. "What do you mean by ‘milagro’ ?" Makahulugang tanong ni Serenity.



"Kasi nga may gentle pang nalalaman." Pinagpagan ni Marky ang uniform niya.


"Hindi naman namin alam na nire-wrestling mo na pala si Sheana Leigh." Sabi naman ni Franz.



Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon