Episode 33

53 0 0
                                    

Episode 33:


SHEA




"Celestine?"




Lumingon siya sa gawi ko bago ako nilapitan. She's wearing high heels, naka-red dress din siya habang nakalugay ang mahaba niyang buhok. Siya pala ’yong sinasabi ng mga employees ko na magandang babae. Siya ang kaisa-isang pinsan ni Charlotte, dahil half sister ni Tito Pierce ang Mommy niyang si Ms. Stuart Reyes.



"You have a huge company and also you're so beautiful." Hinalikan niya ako sa pisngi nang makalapit siya sa akin kaya naman nagulat ako. Certified play girl.



"Thanks. Ano nga pa lang masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?" Sinayod ko ang kabuuhan niya. Goddess. Kunti na lang hahanga na ako sa kanya. Huling punta niya rito ay noong magkaroon ng sakit ang pinsan niya.



"Binibisita ka lang and also I need your help." Napakunot noo naman ako. Iginaya ko siya sa upuan dito sa lobby.



"What kind of help?" Umupo ako sa tapat niya’t gano’n din ang ginawa niya.



"Ang sabi kasi ni Mommy ipapadala niya ako sa Mexico kapag hindi pa ako nagtino." Natigilan ako. "Ayaw ko namang bumalik doon kasi hindi ko gusto ang klema also may makulit na tao ro’n." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Please… itago mo ako." Humalukipkip naman ako.



"Bakit ako? Bakit hindi si Charlotte?" Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko.



"Alam mo naman si couz, hindi niya ako pagbibigyan."



"Bakit kasi hindi ka magtino?" Natawa ako sa kanya kasi halos mangiyak ngiyak na siya. She's bisexual, play girl. Kung sino sinong lalaki at babae ang nilalandi niya, kapag nagsawa na siya iniiwanan na niya.




"Nagbe-behave na nga ako. Kasalanan ko bang malakas talaga ang appeal ko kaya pati babae nahuhumaling sa ganda ko." Napataas naman ang kilay ko. "...buti na lang hindi ka nila katulad."




"Buti na lang." I chuckled. "Nga pala... bakit hindi mo subukang mag-aral sa Almonte? Kausapin mo rin ang Mommy mo para hindi ka ipatapon sa Mexico." Ngumuso naman siya’t saglit na napatingin sa cellphone niyang nag-vibrate.



Tumayo na siya. "Oh, siya sige. Susubukan kong himukin ang parents ko sa ngayon mauuna na muna ako, siguro mag-set na lang tayong dalawa ng date para makapag-bonding." Tumango naman ako.



"She's not available next time." Pareho kaming napatingin sa nagsalita.




Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Hailey. Sa itsura niya parang handa niyang sakmalin si Celestine kapag nagsalita pa ito. Masama rin ang tingin niya sa akin.



"I see? Who are you?" Tanong ni Celes sa kanya kaya naman lumapit agad ako kay Hailey at hinawakan sa braso.



"Sige na, Celes. Baka importante ’yang lakad mo—"



"Nililigawan niya ako." She cut my words. Napasinghap naman si Celestine, pagkaraan ng ilang minuto ay natawa. "Ano’ng nakakatawa?"



"Hindi mga tipo mo ang liligawan ni Shea." Mapang asar na saad niya.



"What?"


"Celestine!"


"Alright. Goodluck, Shea. " Aniya’t naglakad na paalis. Napahawak naman ako sa noo ko bago tiningnan si Hailey sa nakasimangot.



Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon