Episode 8

58 0 0
                                    

Episode 8 :

SHEA



Pagpasok ko ng University lahat sila nakatingin sa akin. Agaw pansin kasi ang nakalagay sa braso ko. Hindi ko na lang sila pinansin at tumungo na sa classroom. Ano’ng magagawa ng awa nila? Gagaling ba kaagad ang braso ko?

"Okay ka na?" Napatingin ako kay Jazzfer.


"Ayos naman ako." Ibinaba ko ang bag ko at umupo na.



"Malapit na ang tournament." Napayuko naman ako. "Manonood ka ba?" Tumango ako.


"Hindi ako p’wedeng mawala sa tournament. Sinabi naman ni coach na kahit ando’n lang ako." Narinig ko ang pag-isod ng bangko.


"Sasamahan na lang kita." Napatingin ako sa kanya. "Sina Peach isasama na rin na’tin." Tumango naman ako.


Nag-focus ako sa lessons namin. Kahit papaano makalimutan ko ang nangyari. Sabi ni Jazzfer ise-send na lang daw niya ang mga notes.



"Dismiss." Tumayo na ako’t lumabas na kasunod ng iba kung mga kaklase. Napatigil lang ako dahil tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ’yon.



Sungit calling...



Ini-slide ko at itinapat sa tenga ko. "Oh, bakit?"



"Oh, bakit? Para ka na ring si Venice." Napakunot noo naman ako.


"Sino’ng Venice na ’yon?"


"Fiancé ng ex mo."


"Tungig! Wala akong ex."



"Wala ba? Sige na nga. " Natigilan naman ako. Fiancé? Sino? Si Peach ba? Babae ang fiance ni Peach?


Napairap naman ako. "Pch! Baka naman may iba ka nang kinakasama d’yan." She chuckled.


"Ako na loyal? Tumawag ako para kumustahin ang braso mo. Ayos na ba?"


"I can't move it."


"Pagaling ka. Huwag matigas ang ulo at sundin ang payo ng Doctor."


"Oo na. Si Flair ba tinawagan mo na?"


"Pagkatapos naming mag-usap ikaw naman ang tinawagan ko." Tumango tango naman ako. Second option.



"Kumusta na si Tito Pierce? Sabihin mo kaya kay Flair ang lagay mo."


"Nah, okay na si Dad. Malakas naman na siya. Ayaw ko lang mag isip si Flair, gusto ko naka-focus siya sa studies niya at sa akin na rin." Natawa ako. Kumain na naman siya ng mais.





"Sure ka d’yan ha?"




"Oo nga."





Nang maibaba ko na ang cellphone ko ibinalik ko na kaagad sa aking bulsa. Bumuntong hininga ako’t tumunghay pero natigilan ng makita ko siyang nakatayo sa harapan ko.




"How is it?" Tukoy niya sa braso ko.



"It's fine." Naglakad na ako at nang tumapat ako sa kanya.


"Bakit ang sungit mo sa akin?"


"Dapat ba mabait ako sa iyo?" Nang hindi siya makasagot at naglakad.


"Sandali." Napalingon ako sa kanya. "Oh." May inabot siyang paper bag.


"Ano ’to?" Bumuntong hininga siya.


Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon