Episode 13

55 0 0
                                    

Episode 13

SHEA


I saw anger and pain on her eyes na ini-express ng kanyang mukha. Malaki ang na-damage sa café niya. Nang makita ko ang pag-iyak niya habang yakap yakap ni Ate Via nakaramdam ako ng awa. Hindi na rin ako tumuloy pa pumunta na lang ako sa kompanya at nagpadala ng tao sa café para ipagawa ang na-damage. Nakita ko ’yong ex niya kaso nakatalikod naman kaya hindi namukhaan. Si Ate Via? Ang lapit lapit nila. Ano bang meron?


"Ms. Leigh, mukhang malalim ang iniisip mo." Tiningnan ko naman si Ms. Vida.


"May mga tao pala talagang nahihirapan magpatawad kahit pa mahal nila ’yong may kasalanan."


"Opo, kung malaking malaki ang kasalanan niya pwedeng mangyari ’yon." Naghalum-baba naman ako. "Ay nga pala, tumawag kanina ang kuya mo itinatanong niya kung maaayos ba ang board meeting bukas."


"Ako na ang bahala na kausapin siya mamaya. Dadaan din naman ako sa bahay niya." 


"At tumawag nga po pala ’yong manager ng hotel sa isla kailangan ka raw po do’n." Aniya.



"Bakit? May problema na naman ba sa isla?"


"May mga ilan po na nasira dahil sa dumaang bagyo." Napatango naman ako. "Mag papa-schedule na po ba ako?"



"Ako na ang bahala. May tatapusin lang ako na works at pupunta na akong isla." Tumingin ako sa orasan ko at tumayo na. "I need to go na pala."


"Ingat po kayo." Ngumiti naman ako sa kanya.




Nang makababa na ako sa parking lot agad na pinuntahan ko ang kotse ko at sumakay bago pinaandar ang engine at lumabas na ng building. Kaya lang may humarang sa kotse ko at muntik ko pang masagasaan ang kotse niya kaya naman inalis ko ang seatbelt ko at lumabas. Ang lakad ng kabog nitong dibdib ko. Ayaw ko pang mamatay.



"Ayos ka lang?" Tanong ko at nang lumabas siya nakita ko do’n si Ate Via. Naaninag ko rin si Hailey sa loob. "Ate Via?" Nilapitan niya ako.



"Pasensya ka na. Kasama ko kasi si Hailey. Sakto naman na ikaw ang nakasalubong ko kaya makikiusap sana ako sa iyo." Napakunot noo naman ako. "P’wede bang ihatid mo na muna siya sa condo niya?" Tumingin ako kay Hailey. "Exchange na lang muna tayo ng car." Napakamot naman ako.




"Sige."


"Thank you." Niyakap niya ako.


Nag-exchange kaming dalawa ng kotse ni Ate Via habang ako mabagal lang na minamaneho ang kotse niya papunta sa condo namin. Nakatingin lang ako sa daan nang maramdaman ko na gumalaw siya kaya napasulyap ko sa kanya.




"Shea?"




"Hmm?" Mahinahon kong tanong.



"Nasaan si Ate Via?" Mahinang tanong niya.



"Nagpalit kami ng kotse kasi may emergency siyang pupuntahan." Hindi naman na siya nagsalita. "May gusto ka bang puntahan?"




"Ha?"




"Malungkot ka kasi."



"Hindi ako malungkot."



"Prangkang tao pero ’pag patungkol sa sariling nararamdaman kabaliktaran ang sinasabi." Bago ko inapakan ang accerelate.



"What the fuck!?" Natawa naman ako. "Ayaw ko pang mamatay, Shea!"



"Trust me." At mas lalo kung binilisan ang pagmamaneho.



Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon