Episode 27 :
HAILEY
A months past. Bumalik ulit kami sa University para tingnan ang results ng exams at kung ano’ng building ang pupuntahan namin. Kababalik ko lang din galing sa New York, si Daddy kasi ayaw agad akong pauwiin.
"Hailey!" Napalingon ako’t nakita ko si Flair na tumatakbo palapit sa akin, natawa naman ako’t sinalubong siya. "Wahh! I miss you so much!" Aniya't niyakap ako ng mahigpit.
"I miss you too."
"Ang ganda mo!" She compliment. Ngumiti ako, she change a lot. Sa isang buwan na tumigil ako sa New York masasabi kong malaki ang ipinagbago niya. Hindi naman siya umalis ng bansa kasi mag-fucos siya sa restaurant na ipinatayo ng Mom niya.
"Wow, glow up!" Nakita ko rin sina Franz at Marky. Bff pa rin sila, hindi makapaghiwalay ha. Nakita ko rin sina Wilbert, Peach at Jazzfer na may ipinagbago rin. Medyo curly na rin ang buhok ni Jazzfer. Buong bakasyon nasa Croatia sila. Nakakapanibago.
"Kompleto na? Si Sheana na lang." Natigilan naman ako. Bumilis ang tibok ng aking puso. Si Sheana?
"Nasa Dean office lang siya. Papunta na rin dito ’yon." Saad ni Jazzfer bago ako tiningnan. "Nagfile pala ’yong pinsan niya ng candidacy for ambassador representative." Natawa naman ako. "Crush ko na nga ’yon e." Napasimangot naman ako. Crush?
"Baka kayo pala talaga, cousin." Sulsul ni Wilbert.
"Iba gusto ni Shea." Tumingin siya kay Peach bago tumingin sa akin ng makahulugan. "Ang ganda mo, may boyfriend ka na ano?" Inirapan ko siya. "Imposibleng wala kasi nasa New York ka, t’yak ako na maraming gwapo doon. Gwapo hanap mo ’di ba?"
"Ano ang alam mo sa hanap ko? Mind your own business." Mataray na sabi ko bago ko siya tinirikan ng mata.
"Hoy! May bago ka na namang kaaway!" Singhal ni Flair.
"Omg! Why naman may bumabang goddess?" Napatingin ako kung saan nakatingin sina Franz. Nakita ko si Shea. She's wearing white above the knee dress and a heels. Nakalugay rin ang straight niyang buhok. She's different and pretty. Napangiti naman ako.
I miss her.
"Hi." Napakurap naman ako. "Okay ka lang? Tulala ka na e." Napaiwas ako ng tingin. Natulala ba talaga ako?
"Kainis, bakit ang ganda mo? Sampal na sampal ng puberty ha." Galak na saad ni Jazzfer.
"Kayo rin. Miss ko kayo, ngayon na ulit tayo nagkita kita e." Sumulyap ako sa kanya saktong tumingin siya sa akin. "Ikaw, kumusta sa New York? Ganda mo ah." Puri niya.
Nakakaramdam ako ng tuwa. Tuwa nga ba ito o kilig? Bakit naman? Dahil ba gusto ko talaga siya? Sa tagal ko sa New York kahit may nag-attempt na manligaw sa akin at sumasama naman ako sa kanila sa date pero wala, hindi talaga maalis sa isipan ko itong si Sheana Leigh San Diego. Ano bang ginawa niya sa akin?
"Tulaley, ganda ’no?" Binangga naman ako ni Jazzfer. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungo sa college building. "Kung hindi ko lang kaibigan ’yang si Sheana, liligawan ko siya." Umirap naman ako.
"As if papatulan ka niya." I bitterly said.
"Selos ka?" Kinunutan ko siya ng noo. "Kasalanan mo kapag naunahan ka." I tsked.
"Kaibigan ko lang naman si Shea." She giggled.
"Kaibigan." Ulit niya.
"Hi." Napatingin ako sa unahan.
BINABASA MO ANG
Memories Of Yesterday || (Completed) ||
Proză scurtăUniversity Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23