Episode 23:
SHEA
Nang makita kong wala na ang singsing sa daliri ni Flair agad akong nakaramdam ng disappointment. Nagdesisyon na naman siya. Mabilis na pinahid ni Flair ang luha na lumabas sa mga mata niya, hinawakan siya ni Peach.
"May kakausapin lang ako. Hintayin niyo ako sa labas." Mabilis na tinungo ko ang silid ni Charlotte.
Pinasok ko ang kwarto niya’t narinig ko ang hikbi niya. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil sa mga biglaang desisyon niya.
"I told you. Paulit ulit kong sinasabi sa iyo, Charlotte. Naiintindihan ko ang kalagayan mo, pero hindi ang biglaang pagdedesisyon mo. Una nagdesisyon kang tumira sa bahay ni Flair, ikalawa nagdesisyon kang ibigay ang singsing ng Mommy mo sa kanya ’tapos nagdesisyon kang pumunta rito sa Mexico ng hindi man lang sinasabi sa akin na kaibigan mo at ngayon naman—"
"Mahihirapan lang si Flair kapag ipinagpatuloy ko ’yon." Napahawak ako sa noo ko.
"Kung mahihirapan si Flair hindi ba dapat noon pa? Noong hindi halos kayo nag uusap? Charlotte, ano bang akala mo kay Flair? Akala mo ba basta basta lang siya? Ang laki ng pagpapahalaga niya sa relasyon niyo. Palagi ka niyang iniintindi, hindi sa kinakampihan ko siya pero hindi ko kayang i-tolerate ang ganyang ugali mo. Mag isip isip ka, Charlotte. Si Tito Pierce ang namatay at hindi ikaw. Kung naandito lang si Tito hindi ako ang magsasabi nito. Ang Charlotte na kilala ko ay may isang salita at tinutupad niya ang mga pangako niya." Tinalikuran ko na siya’t lumabas na ng silid niya.
Umalis kami sa Mexico nina Peach at Flair. Iyak nang iyak si Flair habang nasa biyahe kami. Wala naman akong magawa. Si Peach lang ang napatahan sa kanya. Nang makauwi kami sa Pilipinas ay dumiretso lang muna ako sa office ko, thanks to ate Vida dahil tinapos niya. Boyfriend na niya si Kuya, tumalab ’yong ginawa namin ni Kuya Dawn sa kanilang dalawa.
"Ang sakit sa ulo ng mga projects. Magbabakasyon na pero tinatambakan pa rin tayo ng projects." Reklamo ni Jazzfer.
"Magreklamo ka sa mga teachers na’tin, ’wag dito." Komento ni Wilbert.
"Pinsan ba kita? Support mo naman ako kahit minsan." Bago niya inirapan si Wilbert pero tumawa lang ito.
"Pupunta ako sa café, may ipapabili ba kayo?" Tanong ni Wilbert.
"Bili mo akong sandwich at bottled water." Ngiting sabi ni Jazzfer sa pinsan niya.
"Ikaw?" Tanong niya sa akin.
"Wala, ingat." Tumango naman siya't lumabas na.
Chini-check ko kung nagreply na si Flair pero hindi pa rin. Marami na akong text messages sa kanya pero hindi naman siya nagrereply, ’yong mga socmed accounts niya naman ay halatang hindi nagagamit.
"Oy, si Hailey." Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Jazzfer. Bahagya rin akong napahawak sa dibdib ko noong tumibok ng malakas ang puso ko.
Humakbang siya papasok habang nakasuot ng seryosong ekspresyon. Noon ko lang siya nakitang ganoon kaseryoso kaya naman napatayo ako’t kumunot ang noo. Ngayon ko na lang ulit siya nakita simula noong nanggaling ako sa Mexico.
"What are you doing here?" Agad na tanong ko. Tumikhim siya't tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"Tell me, ano ang nangyari noong nasa Mexico kayo." Natigilan naman ako. Wala pa rin akong nakikitang ibang emosyon sa mukha niya. Gano’n pa rin, napakaseryoso pa rin niya.
BINABASA MO ANG
Memories Of Yesterday || (Completed) ||
Historia CortaUniversity Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23