Episode 4

109 0 0
                                    

Episode 4 :


SHEA









"Tara na." Napalingon naman ako kay Kuya Denver.


Hindi ako nakapasok dahil nakiusap si Kuya na tulungan ko siya sa mga papers niya, masyado raw siyang natambakan ng mga paper works e. Inuuna kasi ang pagbubulakbol kaya natatambakan ng mga papeles. Isa pa dadaan pa pala kami sa sementeryo dahil na rin death anniversary ng mga magulang namin.



"Ah." Muli akong sumulyap doon sa nag uusap kanina. Si Hailey ba ’yon?




"Ayos ka lang? Bakit ganyan ang mukha mo?" Umiling naman ako bago kami pumasok sa elevator at pinindot ang 1st floor.





"Ngayon ang unang beses na pupuntahan na’tin sina Mom and Dad na tayo lang dalawa." Ngumiti naman siya sa akin.



"Pabalik na rin naman si Dazel kasama ang pamangkin mo."



"Kailan ba ang balik ni Ate Dazel?"


"Hindi ko pa rin alam. Sasabihin naman niya ’yon kung kailan." Tumango naman na ako.


"Si Ate Dazel may pamilya na samantalang ikaw hanggang ngayon single pa rin." Pag-iiba ko ng usapan.



"Hindi lang talaga kita maiwan. Ikaw ang bunso kaya naman kailangan kitang bantayan." Napairap naman ako.



"Hindi naman na ako seven years old, huwag mo akong gawing dahilan." Tinawanan lang naman niya ako.




Nang bumukas ang pintuan ng elevator hinila ko na si Kuya. Nae-excite kasi ako na dalawin ngayon sina Mom and Dad. Hihingi na rin ako ng sorry sa kanila dahil sa mga ginagawa ko.



"Magdahan dahan ka nga. Bata talaga." Dinilaan ko naman siya’t nauna nang maglakad. Nang makita ko ang black ferrari niya nalaglag talaga ang panga ko. Sa TV lang ako nakakakita ng ganito pero ngayon nasa harapan ko na.



"Kuya, regaluhan mo nga ako nito." Nilapitan niya ako bago ako hinawakan sa ulo na inalis ko naman kaagad.


"Hayaan mo kapag eighteen ka na makakabili ka na rin nito." Napanguso naman ako.


"Madaya..."



"Nasa pangalan mo na ang mana mo kapag eighteen ka na. P’wede na rin akong mag-asawa." Napailing naman ako bago excited na binuksan ang pintuan ng kotse.


"Malapit na birthday ko kuya. I want you too buy me a car like this."



"Hindi p’wede!"



"Ako ang bunso kaya dapat ini-spoiled mo ako."


"Kaya nga hindi ka namin ini-spoiled. Baka maging tulad ka ng iba na subrang brat."


"Depende kasi ’yon sa tao."



Nang makarating kami sa sementeryo agad na pinuntahan ko ang puntod nina Mom ang Dad. Sampong taon lang ako ng mag-crash ang eroplanong sinasakyan nila pabalik galing sa isang business trip.



"Mom, malaki na ang bunso na ’tin siguro may boyfriend na ’to o baka babae rin ang gusto katulad ni Dazel." Masamang tingin naman ang ibinato ko sa kanya.


"Wala pa isip ko ’yon, isa pa hindi naman masama na magkaroon ako ng girlfriend." Singhal ko naman sa kanya.


"Hindi na rin po siya nakakapunta sa kompanya." Sumbong pa nito.


Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon