Episode 16 :
SHEA
Isinuot ko ’yong jershey ko at naglakad na papunta sa team. Kanina ko pa rin kasi tinatawagan si Janella pero hindi naman siya sumasagot.
"Cap, nasa’n na si Janella?" Tanong ni Ramiel.
"Hindi niyo ba siya ma-contact? Hindi ko ma-contact, eh."
"Team, listen." Lahat kami napatingin kay coach. "Janella, can’t come." Bakas sa mukha niya ang labis na pagkabahala.
"Ho? Pero siya ang pumalit sa akin. Kapag wala siya maaaring matanggal ang team na’tin."
"Naaksidente si Ms. Janella." Hindi naman ako nakapagsalita.
"Ayos lang po ba siya?" Tanong ni Serenity.
"Still unconscious pa rin." Tumingin siya sa akin. "Siguro, hindi na muna tayo—"
"Ako na ang papalit sa kanya, Coach. Hindi p’wedeng ma-disqualified ang team na’tin."
"You're still recovering." Concern na sabi ni Serenity.
"Captain, huwag mong pilitin. Pinagbawalan ka pa ng Doctor mo ’di ba?" Saad naman ni Ramiel.
"Kaya ko. Hindi tayo p’wedeng maalis sa laro. Naghirap kayo sa pag-e-ensayo kung sakali man na matalo ako may laban pa rin tayo."
"Pero—"
"Kung ito man ang huling beses na makakapaglaro ako, sisiguraduhin kong mananalo tayo."
"Nakakainis ka na!" Hinampas ako ni Serenity kaya natawa ako.
"Mag iingat ka, huwag mong pilitin kung hindi mo kaya." Tumango ako kay coach.
Naghanda na rin kami. Hindi ako p’wedeng manuod na lang. Buhay ko ang archery kaya hindi ko kaya na hindi ito malaro. Kasalukuyang naandito ako sa locker para kunin ang ointment ko kung sakali man na sumakit ang balikat ko mamaya.
"Maglalaro ka?" Tumango ako. "Pero may injury ka pa."
"Okay na ako."
"Pinagbawalan ka ’di ba?"
"Hindi ko p’wedeng hayaan ang team ko."
"Pero hindi maganda sa ’yo ’yan. Paano ka gagaling ng mabilis kung hindi mo susundin ang inuutos ng doctor mo?" Napakagat labi naman ako.
"Alam ko na concern ka lang." Tiningnan ko siya sa mga mata. "Pero sana huwag mong subrahan." Napatingin siya sa akin. "Ayaw kung umasa ulit sa ’yo."
"Ano?"
"Kahit limang taon na ang nakakalipas, Peach. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang nararamdaman ko para sa iyo. ’Yong sakit andito pa rin dahil umasa ako na akala ko pareho tayo ng nararamdaman."
"Akala ko ba okay na tayo."
"Akala ko rin pero hindi ko pala talaga kaya. Kaya makikiusap ako sa iyo ngayon bilang isang kaibigan. Layuan mo muna ako para sa ikabubuti na’ting pareho." Nakatingin lang siya sa akin. "Peach alam na’ting pareho na hindi na p’wede. Isa pa alam ko rin kung saan ako lulugar, kung hanggang saan lang ako. Engaged ka na at masaya ako para sa iyo." Isinara ko ang locker at isinusi na ’yon. "Sana maintindihan mo ako." Bago ko siya tinalikuran at umalis na.
Napahawak ako sa dibdib ko habang naglalakad dahil sa halo-halong kaba at sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa rin ako. Siguro talagang may hinanakit pa rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Memories Of Yesterday || (Completed) ||
Short StoryUniversity Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23