Episode 18

49 0 0
                                    

Episode 18 :

SHEA



Napamulat ako’t mukha niya kaagad ang aking nasilayan, nakasara ang kanyang mga mata kaya naman dahan dahan akong tumayo at itinapat ang aking hintuturo sa kanyang ilong. Kanina pa ba siyang tulog? Tumingin ako sa labas ng bintana at mukhang madilim na sa labas.

Muli akong napatingin sa kanya. Itinaas ko ang kanang kamay ko at hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha kaya lang bigla siyang gumalaw at nagmulat. Kinusot niya ang kanyang mga mata. Nang ibaba niya ang mga kamay nakapikit pa rin siya.


Pinagmasdan ko lang siya. Sa totoo lang napaka-cute niyang pagmasdan. Tumikhim ako kaya naman nagmulat siya’t nanlaki ang mga mata.



"Sheana." Napataas ang kilay ko. Tumingin siya sa kanyang orasan. "Shit!" Tungayaw niya’t mabilis na tumayo.



"Saan ka?" Tanong ko.



"Gabi na. Uuwi na ako." Kinuha niya ang bag niya at inilagay na sa balikat.



"Iiwan mo ako?" Natigilan naman siya.



"Tumayo ka na d’yan." Ibinaba ko naman ng paa ko sa sahig at kinuha ang sapatos ko bago ’yon isinuot. Tumayo na ako pagkatapos bago kinuha ang gamit ko.


Agad na hinila niya ako palabas ng club. May mga students pa kaming nakikita specially ang mga college students. Nang makarating kami sa parking lot binitawan na niya ang kamay ko.


"Umuwi ka na. Uuwi na rin ako." Bago niya ako tinalikuran.



"Saan ka?"



Nilingon niya ako. "Uuwi na ako. Sasakay ako sa taxi."



Kinuha ko ang susi ng kotse ko. "Inaantok pa kasi ako. You can drive a car, right?" Nakatingin siya sa akin kaya naman humikab ako’t ibinaba ang kamay ko na may susi. "Ikaw bahala ka." Naglakad siya palapit sa akin bago kinuha ang susi sa kamay ko.



"Minor ka pa lang pero hinahayaan ka na mag-drive?"



"May lisensya na ako."



"Lisensya?"


"Oo. Gumamit ako ng fixer."


"What ever! Pumasok ka na." Ngumiti ako ng tipid bago pumasok sa loob ng kotse. Inilagay ko ang seatbelt ko at sumandal bago ipinikit ang mga mata.



"Gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo." Hindi siya sumagot kaya naman humalukipkip na lang ako’t ipinikit ang mga mata.




Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil may ginawa akong papers na ini-email sa akin ng sekretarya ko. Kung p’wede nga lang hindi muna ako pumasok sa school ginawa ko na. Isa pa may laban pa kami bukas, sa friday naman t’yak ako na magpapa-party si Kuya and the another day ipapangalan na sa akin ang Rim Company at ang Isla. Nasa will kasi ni Dad ’yon at ’yon ang ipinama sa akin ng mga magulang ko.




Napamulat ako ng may tumapik sa pisngi ko. "We're here." Inalis ko ang seatbelt ko at kinuha ang bag bago bumaba. "Key mo. " Iniabot niya sa akin at kinuha ko naman ’yon bago naglakad na papunta sa elevator.



Antok na antok ako. Nang bumukas ang pinto agad na pumasok ako’t sumandal sa kabilang tabi. Masakit na rin ang ulo ko.



"Ayos ka lang ba?" Rinig ko na tanong niya kaya tumango ako.





Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon