Episode 7

66 0 0
                                    

Episode 7 :

HAILEY


Nagulat naman ako ng bigla niyang itapon ang arc niya bago siya umupo at tahimik na umiyak do’n. Hindi ko alam kung gaano ka-importante ang Archery sa kanya pero ramdam ko ’yong sakit.

"Makakapag-archery ka pa naman kapag gumaling ka na." Napansin ko na gumalaw ang braso niya bago ako nilingunan.

Hindi ko naaninag ang mukha niya dahil na rin lumubog na ang araw at malayo sa kinatatayuan namin ang ilaw pero alam kong nakasimangot na naman siya. Sino bang hindi masasanay sa araw araw na ginawa ng d’yos na palagi ko siyang nakikita gano’ng treatment lang naman ang ibinibigay niya sa akin. Nakakasawa.


"Paano mo naman nasabi?" Malamig niyang tanong bago tumayo.


"Dahil hindi naman permanent ang bali sa braso mo." Bakit ba ako may pakialam?


"Sabi mo, eh." Napakagat labi naman ako.


"Kung gusto mo talagang makapaglaro makakagawa ka ng paraan para makasali sa tournament." Humakbang siya palapit sa akin at tumigil sa harapan ko.


"Eh, ’di makakagawa ka rin ng paraan para lubayan mo ako." Natigilan naman ako. "Tsk. Ikaw ang may kasalanan nito e. When you came! Simula nang guluhin mo ako bigla akong minamalas! Siguro nga totoong mangkukulam ka!" Sigaw niya at dahil sa inis agad na pinalipad ko ang aking palad at dumapo ’yon sa kanyang pisngi.


Nabigla naman ako’t napaatras. Bakit ba kasi siya naninigaw? Hindi nga ako sinisigawan ni Daddy e.


"Kung noong una pa lang sinabi mo na sana na gusto mo ang atensyon ko, e ’di pinagbigyan sana kita." Napakuyom naman ako.


Sisinghalan ko pa sana siya pero narinig kung umiyak siya. Tinitigan ko lang siya. Bakit nga ba kami umabot sa ganito?


"Sinabi ko naman na sa iyo na magiingat ka." Hindi ko naman masabi sa kanya na hindi aksidente ’yon because I don't have enough evidence. "Hindi ko gusto ang atensyon nino man, lalong lalo na ang atensyon mo." Alam kong may kasalanan din ako pero balak ko naman na talaga siyang tigilan e pero gumanti pa siya.


"I'm sorry." Pinahid niya ang luha niya bago mabilis na tumakbo.


Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko at nang bumalik ako sa reyalidad agad na pinuntahan ko kung saan siya nakaupo kanina. Nakita ko ang arrow at arc niya kaya naman pinulot ko ’yon. Bigat pala naman nito e.

Nang bumalik ako sa unit ko dala ang gamit niya na ’yon. Pinagmasdan ko ang arc niya, may kabigatan pero hindi naman masyado. May nakita ako initial do’n.


"SLSD?" Mahinang bulong ko. "Bakit ko ba kinuha ’to? Dapat nasa kanya na ’to." Tumayo ako bago kinuha ang arc at arrow bago lumabas ng unit ko.


Naglakad ako palapit sa tapat ng unit ni sungit bago pinindot ang doorbell at inilapag sa sahig ang gamit niya saka naglakad na rin paalis ng makasalubong ko ang isang tao.


"Ley." Nakatingin lang ako sa kanya.


"Dad." Ngumiti naman siya sa akin bago ako nilapitan at hinalikan sa noo. "Ano po ang ginagawa niyo rito?"

"I just want to visit you, honey." Napakagat labi naman ako. "Are you okay?" Tumango naman ako. "Nabalitaan ko kasi na umaaligid na naman ang ex mo. May ginawa ba siyang hindi maganda? Gusto mo bang kausapin ang kanyang ina tungkol—" Umiling naman ako.


"Hindi na po kailangan."


"Bumalik ka na kaya muna sa bahay, panatag ang loob ko kapag ando’n ka." Umiling naman ako.


Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon