Episode 39

45 1 0
                                    

Episode 39:


SHEA



Nakalabas na ako sa ospital, nakabalik na rin ako sa school at ini-welcome nila ako. May ilang mga professor din ang nagtatanong kung maayos na ba ako.



"Hanggang hanga na talaga ako sa iyo, Ms. San Diego. San Diego ka nga talaga." Napakunot noo naman ako. Andito ako ngayon sa faculty.



"Po?"


"Kahit nasa ospital ka, ginagawa mo pa rin ang mga lessons mo." Natigilan naman ako. "Ito... goodluck." Iniabot niya ang folder sa akin.


Lumabas na rin ako. Napakunot naman ako't tiningnan ang folder. May hand written doon at kilala kung kanino ’to. Mabilis na naglakad ako't pumunta sa Architecture Department. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya. Nakasandal siya sa white board habang kinakausap ang isa sa mga kaklase niya.


"Cruz." Napalingon siya sa akin pati na rin ang kausap niya. Mabilis siyang lumapit sa akin.


"Hello." Ngumiti siya pero agad na pinitik ko ang noo niya. "Ouch!" Agad na hinimas niya ang kanyang noo. "Ano na namang problema mo?"


"This!" Itinaas ko ang folder.


"Ano naman ’yan? Divorce paper? Hindi pa nga tayo kasal." Nagkantyawan naman ang mga kaklase niya kaya napabuntong hininga ako.


"You're doing all my lessons." Natigilan naman siya. "Paano naman ang lessons mo?"



"Ginawa ko rin." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko naman pinapabayaan ang mga lessons ko e. Isa pa tinulungan ako d’yan ni Flair kasi wala naman akong ibang alam sa course mo." Sumimangot ako.


"Nakakainis ka."


"Captain, huwag mo na awayin ’yan. Napagalitan na nga siya ng professor namin kanina e." Nagtawanan ang mga ka-blockmate niya.


"Tahimik!" Asik niya kaya naman tumahimik ang lahat. "Huwag niyo nga akong ipahiya sa girlfriend ko." Inis na saad niya kaya hinampas ko siya. "Oh, bakit? Girlfriend naman talaga kita."


"Hindi ka ba natatakot na baka—" umiling siya.


"Why should I? Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba sa relasyon na’tin." Natahimik naman ako. "I love you." Napalunok ako.



"I-i love you too."



"Ano ’yan mahal mo ako kasi mahal kita?" Nagsalubong ang kilay niya.



"I love you so much." She smiled.



Inihatid niya ako sa department ko pagkatapos ay umalis na rin. Sabi niya kita na lang kami mamaya kasi siya ang maghahatid sa akin sa bahay. Sa mansyon na rin ako umuuwi ngayon, si Hailey naman bumalik sa condo niya kasi ipina-renovate niya ang bahay sa Euphoria Village.



Napatingin ako kina Charlotte at Flair na nag uusap, napababa ang tingin ko sa kamay ni Flair at napangiti. Suot niya na ulit ang singsing na ’yon. Nang gawin ni Hailey ’yon hindi naman siya nabigo.



Napabuntong hininga ako. Maraming nagbago simula nang mangyari ’yon, iniatras na rin nina Hailey ang kaso laban kay Mr. Yvañez at humingi ng tawad ang Daddy ni Hailey. Sa kabila ng lahat nagkapatawaran sila.


"Mabuti na lang talaga hindi nag-BSRem ’yong girlfriend mo." Napatingin ako kay Jazzfer. "Sa dalawang ’yan umay na umay na ako paano pa kaya kapag dumagdag pa kayo ni Hailey?" Natawa naman ako.



Memories Of Yesterday || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon