Prologue

1.4K 61 4
                                    

Prologue


"Out ka na, Crisel?"

"Yup! Kailangan ko ring magmadaling umuwi."

"And why naman?" pag-usisa pa ng ka-work ko. Tinanguan ko naman siya habang sinusuot ko ang jacket ko. "May date ka ano? Tukaan na ba?"

Kumusot naman ang mukha ko sa sinabi niya at inilingan siya sa hinala niya. "Mukha mo. Walang gano'n 'no. Hindi uso sa akin 'yon. May kailangan kasi akong daanan sa department store tapos kailangan ko pang bumili ng cake para sa kapatid ko."

"Naks naman! Huwarang kapatid!" panunukso pa nito. "Saka, oo nga pala 'no? Next week na pala pasukan niyo. Last year mo na, girl. No more part-time!"

Napangisi naman ako. "Sana nga, gano'n lang kadali 'yon. I gotta go na. Ayoko ring gabihin."

"True," aniya. "Narinig ko rin sa balita kagabi kay Kuya Kim na may pagbanta raw ng pag-ulan sa gabi. Mabuti na lang 'til morning pa ako rito. Anyway, babu! See you sa next shift mo."

"Yup! Bye!" pagpaaalam ko.

Mabilis naman akong lumabas ng staff room at saka tumungo palabas ng store. Binati pa ako ni manong guard na sa tingin ko ay bagong hire pa lamang. Dapat ay hindi talaga ko papasok ngayon pero naisip kong sayang naman ang isang araw kung hindi ko pa papasukan so I decided to work today para kapag sapit ng pasukan ay hindi ako masyadong stress. Well, sana nga.

Kahit nagmamadali ako ay nilakad ko na lamang ang daan papunta sa mall. Walking distance na lang din naman. Hindi rin naman ako mag-aakysa ng pamasahe sa mabilisang biyahe—it's just like love, don't invest too much when it will end sooner as you expected.

I put my backpack in front of me. Mabuti na iyong nag-iingat gayong mag-isa lang din ako ngayon. Pasado alas y cinco na ng hapon at kailangan kong makauwi sa bahay before seven at sana ay makaabot pa ako dahil sa tuwing titingin ako sa kalangitan ay hindi ko masigurado kung uulan ba o dahil magdidilim lang?

Hindi katagalan ay nakarating din ako ng mall. Nagmadali akong tumungo sa department store. I know I can do this some other time pero baka makalimutan ko rin kaya isasabay ko na ngayon sa pagbili ng cake.

I bought what I just need. A new set of leaf papers, pen, small notebook, yellow highlighter. All those things cost me over three hundred pesos and I think it's enough for me. Hindi na rin naman ako bibili ng bagong sapatos dahil maayos pa naman ang ginagamit ko no'n.

I carried the paper bag to the cake shop. I hardly picked what cake should I bought, but in the end, binili ko na lamang ang request sa akin ng kapatid ko na mango ice cream cake. Medyo pricey pero once a year lamang ito kaya binili ko na lang din.

As soon as I paid for it, I struggled carrying everything kaya kahit magmadali ako ay baka mabitawan at mahulog ko lang ang mga hawak-hawak ko. I didn't waste my time and book for my ride. Plano ko sanang mag-commute na lang pero dahil may hinahabol din akong oras at minsan ko lang gawin 'to, lubos-lubosin ko na rin.

Pagkalabas ko ng mall, I felt so unfortunate ng maabutan kong umuulan ng napakalakas. Mabuti na lamang ay nakapag-book na ako ng sasakyan at hindi na abala sa akin ang mag-commute pa. Sobrang badtrip talaga kapag umuulan.

Imbis na maging safe and dry, mukhang magiging all wet pa ang look ko nito today. At ayokong magkasakit gayong nalalapit na ang pasukan.

Panay naman ang tingin ko sa phone ko habang inaabangan ang nalalapit na pagdating ng sasakyan na binook ko.

Dahil lumalakas din ang ulan, maraming tao sa labas ng mall ang nagpatitila at inaabangan ang paghupa ng ulan. Kung magtuloy-tuloy ito hanggang gabi, tiyak na magbabaha rin dito. Pero 'wag naman sana. Mahirap ma-trap at sumulong sa baha.

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon