Chapter 29

365 40 1
                                    

Chapter 29

For the past few days, I really have a tight schedule. Nakade-drain ng sobra. Ang sabi ko pa sa sarili ko, I would take this week lightly para hindi masyadong stress pero nagsabay-sabay pa rin ang lahat. Research project, tutorial session with Bennett, and lots of quizzes and exams. Good thing, I don't have part-time anymore sa fast-food dahil sobrang maiipit ako. For sure, hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang sarili ko in that case.

All that happened just a week before our short vacation.

"Mabuti na lang talaga medyo maganda ang seats natin ngayon," ani Serron. "Kitang-kita rin natin."

"Yeah, thank me!" Hagikgik ni Dolly.

"Hindi pupunta si Archie 'no?" tanong ko sa kanilang tatlo.

Umiling naman si Tessa. "Remember may sinabi siya last time na baka hindi siya makasama kasi uuwi siya sa kanila sa Cavite. Ewan ko ro'n, mabilis lang din naman ang biyahe hindi na lang sumama sa akin. Ba't mo nga pala natanong?"

"Yie! Hinahanap niya!" panunukso pa ni Dolly.

"Hindi 'no!" depensa ko sabay halukipkip.

Today is the cheerdance competition and aside from the basketball from men's division ay isa ito sa mga pinakaaabangang competition tuwing UAAP season. We were seated a few rows back from the court. Hindi gano'n kalapit at hindi malayo, tamang-tama lang go get a whole view from it.

Pa'no ba naman itong si Serro sabik na sabik makita 'yong crush niya from Ateneo kasi for sure santolan station na naman daw ang ganapan later. Dinagdagan pa ni Dolly na sabik na sabik na rin makita 'yong crush niya from DLSU naman. Napaiiling na lang talaga ko ng ulo sa kanilang dalawa. Buti kaming dalawa ni Tessa behave lang.

"Hindi ba pupunta 'yong isa mo pang jowa?" tanong ni Tessa sa akin.

Tumaas naman ang kilay ko sa tanong niya. "Sinong jowa naman 'yan? Ang daming pakyeme, a!"

"I doubt na pupunta 'yong isa niyang jowa. 'Yong isa nasa Cavite ngayon so baka ayaw lang talaga no'n pumunta kasi alam mo na..."

I scrunched my face trying to guess what they were talking about. "Sino ba 'yon?"

"Sus! Ikaw pa ba? Kunyari walang alam," panunudyo ni Serron. 'Wag ka na mag-maang-maangan pa, girl. Huling-huli ka na. But, anyway, just like what Dolly said, I doubt na pupunta siya ngayon dito. Did he tell you ba these sessions niyo?"

"Wala siyang binanggit, e."

"E, 'di, wala. Gano'n lang ka-simple 'yon, girl," banat ni Serron. "Saka pa'no ba naman kasing pupunta 'yon ngayon dito. Girl, 'yong ex-girlfriend niya nandito ngayon sa arena at magco-compete. Why would he spend his time para panoorin 'yong ex niya, huh?"

Napakibit-balikat naman ako. "Ewan ko. Bakit 'yong may game last week nando'n si Cinema, 'di ba?"

"Problema na ni Cinema 'yon," dagdag ni Serron. "Hindi ka maka-move on kay Bennett. Gawa-gawa kasi ng milagro, ang laking perwisyo pa ang dinala sa paligid niya. Anyway, hayaan na natin siya. We're here to support our school and continue our streak! Last competition na natin 'to so I hope makuha ulit nila ang championship. Oh, gosh, kinakabahan na ako!"

The competition is about is to start in less than ten minutes. Pero tam nga si Serron, Bennett wouldn't be here to watch his ex-girlfriend, but I also wonder if he was here to watch her previous competitions?

These past few days, aside from my busy schedule with our research project, Bennett and I continued with our tutorial session as he will have to comply with his remaining quizzes and exams, though he said he was excused from the previous quizzes dahil sa game nila last week and I don't know what quizzes and exams he's trying to finish up, o baka naman naghahanap lang siya ng rason?

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon