Chapter 31
I woke up with my phone alarm. 5:30 pa lamang ng umaga. Ang sabi kasi ni Bennett, gumising kami ng maaga kahit sobrang late na kami nakatulog kagabi. Hindi pa man gano'n kamulat ang mata ko ay hawak ko na agad ang phone ko. Upon checking it, wala naman akong messages na pumasok o baka medyo hirap lang talaga itong area namin sa signal pero sana mamaya ay umayos na.
Nang balingan ko ang lalaking katabi ko matulog ay nabuhayan ang diwa ko nang mapansin ko wala na siya sa tabi ko. napabangon naman agad ako sa pagkahihiga ko at hinanap ko kung nasaan siya. Madilim pa ang paligid, but I've noticed the little light coming through the parted curtains.
I dropped my feet on the ground and stood from the bed so I can see what's going on there. He might be there or not, wala namang mawawala kung hindi ko titingnan.
As I widely parted the window to see what's behind it, on the balcony, I just saw the topless Bennett leaning his elbow on the railings. Good thing he's on his PJ's and it's totally not weird to look at him. But what I know, from what I've noticed before... he's not really fond of wearing underwear in bed. But he really had a good back, its maybe because of his trainings sa basketball kaya ang ganda ng likod nito. Hindi gano'n ka-muscle, but he really look so fit.
He only looked at me from sideways and then he fixes his posture turning around to face. Pinilit ko namang iwasan ang tingin sa kanyang katawan.
Criselda, mata sa mata lamang.
"Good morning," pagbati ko sa kanya.
"Good morning, Sel," pagbati rin nito sa akin na may kasama pang ngisi sa labi.
"Kanina ka pa ba gising?"
He shook his head. "Nah. Just a few minutes ago."
"Excited ka 'no?"
He chuckled. "Hindi naman... gusto ko lang abangan ang sunrise."
"Oh, I see... bet ko rin 'yan makita."
"Then join me. Let's watch the sunrise," pagimbita nito sa akin.
Tumabi naman ako sa kanya at pinatong ko rin ang siko ko sa railings at inabangan namin ang pagdungaw ng araw. This is actually my first time watching the sunset with someone I just met a few months ago. Though this is nice that I've got to spend with someone na hindi iba ang tingin sa akin. Na para bang ilang tao na kaming magkakilala. Hindi na naman nakapaninibago ang closeness naming dalawa ngayon, pero siyempre iba pa rin 'yong turingan namin sa isa't isa.
I'm still just a friend and a tutor... hindi na lalagpasan 'yon do'n.
Quarter to six, nagsisimula nang lumiwanag ang kalangitan at halos nasisilayan na namin ang unti-unting paghihiwa-hiwalay ng mga ulap at pagsilaw ng ningning ng araw. Nakangiti lamang ako habang pinapanood namin 'yon.
"Madalas ka bang manood ng sunrise?" tanong ko sa kanya. Nakalingon ako sa kanya na para bang siya na ang araw na pinapanood ko ngayon.
Umiling naman ito. "No."
"Ay, so naisipan mo lang gumising ng mas maaga this time?"
He nodded. "Probably." Nang ibaling naman niya ang tingin niya sa akin ay agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Para pa akong tanga na nagulat dahil tumatagos talaga iyong mga titig nya. Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya gusto ko na lamang magpalamon sa lupa sa binitawan niyang reaksyon. "What about you? Do you often watch sunrise?"
I shook my head. "Hindi, e. If gugustuhin ko man, sasapian pa rin ako ng antok. Though may one time na nangyari sa work dahil na-short staff kami at that day at kung sino lang 'yong available crew na malapit sa area ang pumasok. Night shift 'yon, eleven ng gabi hanggang alas sais ng umaga. So, pag-uwi ko sa dorm, kasabay ko ang sunrise habang ako naman sabik na magpahinga."
BINABASA MO ANG
Rainy Season in Manila
RomanceWorld Trip Series 5 Criselda is the breadwinner of their family, even though she's still studying and working part-time, she fulfills the needs of her family and her own self. That's what she thought she can do all when she met her own storm. A dif...