Chapter 27

378 38 2
                                    

Chapter 27

"Ba't kasi 'di nila pinapasa kay Bennett? Siya lang 'tong nakasho-shoot nang sunod-sunod kanina pa!"

"O, ba't ka nagagalit, Isel? Baka strategy lang nila 'yon?" Natatawang usal ni Tessa.

Nakabusangot na rin ako at hindi maipinta ang reaksyon ng mukha ko. "Pa'nong strategy? Kanina pa sumisigaw si Bennett na ipasa sa kanya 'yong bola pero hindi nagagawa kaya naaagaw tuloy ng kalaban. Kaasar." Napahalukipkip na lamang ako dahil banas na banas na ako sa third quarter ng game.

"Wait ka lang kasi! Mamaya bibira na 'yan ng super lakas si Bennett!"

Napasinghal na lamang ako. Sa tuwing matatapat kasi ang ang camera kay Bennett at siyempre nakatutok ang lahat sa itaas ng screen. Nakasalubong na ang kilat ni Bennett saka pawisan na rin siya.

All throughout the game sa tingin ko ay hindi siya pauupuin ng coach nila since he's an integral part of the team, malakas at tirador ng three point pero sa napanonood namin ngayon, lamang na lamang na naman ang ADMU. Natuwa pa ang lahat kasi naungusan nila during second quarter pero umaariba na naman ngayon ang kalaban. Bibong-bibo.

Well, FEU had the most number of winning sa Men's Basketball Championship at pumapangatlo lamang ang ADMU, but they had their win last UAAP 87th season and that was 2015-2016 pa. ADMU just want to continue their winning streak and I can see that Bennett wants to break that record at mabawi muli ng mga taga-Morayta ang kanilang titulo. They want to get that 21th championship.

In terms of our university naman, we've won two title sa Men's Division., but that was 17th and 77th season pa. And even though hindi nakaabante ang aming university sa basketball ay meron pa rin namang 15 titular awards ang sa iba't ibang division. But I believe, next week sa cheerdance competition, NU will slay again.

"Ayan na! Pinasa na kay Bennett!" anunsyo ni Tessa. Hinawakan pa ako nito sa kamay ko.

Gano'n din naman ang ginawa ko kay Archie. Saglit lang din ay napansin kong tumatawa siya kaya mabilis ko siyang pinagtuunan ng pansin.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko, sabay tingin ng mabilis sa court at muli kong ibinalik sa kanya.

"You're holding me too tight." Pagtukoy niya sa pagkahahawak ko sa kamay niya. Agad ko rin namang binitiwan 'yon. He couldn't stop chuckling.

"Sorry na, nadadala lang ng emosyon."

"I know, I know. That's alright. We just want Bennett to win."

"Tama..." Matapos kong sabihin iyon ay muli kong binalik ang tingin ko sa court and there we saw Bennett aiming for a three-point-shot and when he positioned himself then jumped and threw the ball towards ring, our eyes followed the ball until it finally shoot. "Yes!!!" I exclaimed, too much excitement. Hindi lang din naman ako 'yon pati na rin ang ibang nakapaligid sa amin. But I was the only one standing with my friends around me.

"Kanina parang wala kang pakialam, girl. Ngayon bigay todo ka na, a!" komento ni Serron.

Hindi ako sumagot at inirapan ko na lamang siya. Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa laro. Because of Bennett, their team is getting closer to their opponent's score. Sa tuwing makapupuntos si Bennett, hindi ko rin mapigilang magdiwang kasabay ng malalakas na hiyawan ng mga school mate niya.

This time, kapag natatapat na sa kanya ang camer ay kitanng-kita na ang determination at sobrang fired-up siya to finish the quarter on their side. Naka-daop lamang ang kamay ko sa bawat segundong lumilipas. I was really hoping they would this one and I was so relieved that at the end of the third quarter, nangunguna na ang FEU with 62 scores while ADMU only gets 55. At this moment, kailangan na lang talaga nila ma-maintain ang pagkalalamang sa kalaban.

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon