Chapter 11
Thirty minutes before my shift end, nililinis ko na lamang ang mga lamesa. Halos mga estudyante lang din naman ang labas-pasok dito ngayon. Wala akong pasok today and I have a schedule today for my shift.
So far, for the past two weeks, hindi naman ako hirap mag-adjust sa schedule ko. Kasabay ng research project namin, may ilang activities and discussion pa kami sa ilang feeling major subjects and sa isa pang major subject. Napatunayan ko lang na hindi ko kailangan ng offer ni Bennett dahil for the past few years, nagagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Walang problema sa akin 'yon, mapilit lang talaga siya.
Saglit lang ay may lumapit sa aking batang lalaki at tinuro 'yong table kung nasaan ang ibang mga kasama nito. Pinapalinis lamang nila ang table at agad ko rin naman siyang sinundan at sinimulan ko nang linisin ang mga plato, baso, at kalat sa mesa.
Kinalabit naman ako no'ng nanay no'ng bata. Nilingon ko siya at bakas naman ang pagtataka sa mukha nito.
"Artista ka ba?" tanong nito sa akin.
Bahagya naman akong natawa at umiling. "Naku, hindi po. Baka may kamukha lang po."
"Baka nga... pero ang ganda mo, ha."
Napangiti naman ako sa sinabi. It's not always to hear some people those kinds of compliment kaya minsan makarinig lamang ng mga bagay na 'yon ay sobrang nakamomotivate nang kumilos.
"Pero kung hindi ka pa artista, subukan mo."
"Maraming salamat po pero sa tingin ko wala sa direksyon iyon ng career ko." Tinapos ko na rin agad ang paglilinis para takasan siya at kung saan pa mapunta ang usapan namin. That was weird, but enough to put a smile on my face. Minsan lang ako masabihang mukhang artista... baka nga. I should try it in the near future, baka nando'n talaga ang career ko.
Saka marami namang graduate ng masscom na artista ngayon so I guess what I'm learning now could top it off.
Pero ang layo pa no'n, sa totoo lang, I can't see myself to be an artista.
Bitbit ang tray papunta sa disposal area, saglit lamang akong napatingin sa counter area at na-stuck kaagad ang paningin ko nang mapansin ko ang pamilya na lalaki ro'n.
Nagmadali akong kumilos at habang naglalakad ako papunta sa direksyon kung saan siya nakatayo. Napansin ko naman na parang may hinahanap siya. Palinga-linga ang ulo niya at nang saktong lumingon siya sa likod ay nakita niya ako. Biglang lumapad ang ngiti sa labi ni Archie. Napangisi na lamang ako dahil parang inaasahan niya ngang makikita niya ako today.
"Criselda!" pagbati pa nito sa akin. Ang lakas pa ng boses niya kaya iyong mga ilan kong kasamahan na nakarinig no'n ay napatingin. "Good, you're still here."
I pressed my lips and narrowed my eyes. "Tungkol na naman 'to sa kaibigan mo?"
Agad naman niya akong inilingan. "No, no. It's not about Bennett. I actually came to see you."
"But I'm working... and I'm still working so balikan kita mamaya."
"Oh, okay... when will your shift end?" he asked.
"Ah, malapit na. Less than thirty minutes na lang din. Bakit ba?"
"I'll tell it to you later." Kindat pa nito sa akin.
I was a little confused the way he did that kaya naman dahan-dahan na rin akong naglakad papalayo. Bumalik naman ako sa trabaho ko at inubos ang natitirang oras hangga't sa mag-end ang shift ko.
I quickly finished everything and prepared to go. As I got out of the staff room and on my normal clothes, I look for Archie sitting and munching the meal he bought for himself. As I walk towards his direction, he lifted his eyes to see me. He wipe his mouth with a napkin and a smile I saw earlier plastered in his face again.
BINABASA MO ANG
Rainy Season in Manila
RomanceWorld Trip Series 5 Criselda is the breadwinner of their family, even though she's still studying and working part-time, she fulfills the needs of her family and her own self. That's what she thought she can do all when she met her own storm. A dif...