Chapter 20
"Bakit ba kasi kailangan ko pang madala ng swim suit?" Angal ko kay Tessa. "Saka wala namang sinabi sa akin na magdala ng swim suit. Mapahiya pa ako rito, e."
"At least, maganda na 'yong maging handa! Nabanggit nga ni Serron no'n na ang mga Rochon ay nagmamay-ari ng isang private resort do'n sa Calamba. I think it was one of the expensive private resorts there. Saka 'wag mo na lang ipahalata na may dala ka kasi baka may sabihin pa sa 'yo. Itabi mo pero once na mag-aya sila or do'n ganapin ang birthday, wear it and flaunt it. Magagamit mo na 'yong binili mong bikini cover up. Pak na pak na riyan!"
Napabitaw na lamang ako ng malalim na hininga. Hawak-hawak ko ang swim suit na binigay ni Tessa sa akin. Never been used daw ito. Gagamitin niya lang once may outing pero dahil busy sa school, no time to go to beach o kaya sa mga public swimming pool. Binigay na niya sa akin since she thought it will fit on me.
A moment later, my phone receives a call. Tinulak pa ako ni Tessa nang makita niya ang pangalan ni Bennett sa screen. Gumising talaga siya nang napakaagad. Alas y sais pa lamang ng umaga at ngayong ang oras nang pag-alis namin ni Bennett papuntang Calamba.
Agad ko rin namang sinagot ang tawag niya.
"Hello?" bungad ko.
"Good morning, Sel," bungad din nito sa akin. "I'm already out of your dorm building. Will you carry some heavy stuff ba?"
"No, wala naman. Sling bag at isang tote bag lang naman ang dala ko."
"Ah, cool. I'll be seeing you down here."
"Okay, see you."
Agad ko rin namang binaba ang tawag niya at saka ko hinarap si Tessa.
"He's here," anunsyo ko.
"Samahan kita?"
Agad naman akong umiling. "Hindi na 'no. Bumalik ka na ulit sa tulog mo. Ba-bye na!"
"Teka, kailan ba ulit ang balik mo?"
"Sunday evening for sure."
"Hindi ka sure?"
Napakibit-balikat ako. Wala akong matandaang binanggit sa akin si Bennett. "Wala, e. Saka isang araw lang naman cine-celebrate ang birthday, 'di ba? So, possible na by Sunday afternoon or evening ay nakabalik na ako. Alam na naman nila mama so okay na okay na rin."
"This is it, girl! Meeting his parents na agad ang level mo!"
Napangisi naman ako. "Hitsura mo. Walang gano'n. At si Ate Mallory ang nag-invite sa akin, hindi si Bennett. Pero mamaya na ang chika, naghihintay na 'yon sa akin sa baba. Ba-bye!"
Nagmadali naman akong lumabas ng kwarto at paniguradong sisilipin naman kami ni Tessa mula sa bintana sa aming kwarto. Nang tuluyan din naman akong makababa at makalabas ng building ay nakita ko si Bennett na nag-aabang sa labas ng kanyang sasakyan. Binilisan ko naman ang paglalakad papalapit sa kanya.
"Good morning!" Pagbati ko kasabay ang malambing na ngiti.
"Good morning to you, too. Are you ready to go?" He asked and I nodded. "Hop in. And oh, we'll be picking up Cinema first."
Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman binalak pang umupo sa harap sa tabi niya dahil paniguradong doon uupo si Cinema. Nang makapasok ako at sumundo naman si Bennett ay sinilip niya ako thru the rearview mirror.
"Are you okay there?" he asked.
I nodded. "Yes, I'll be fine here."
"Okay, let's go."
BINABASA MO ANG
Rainy Season in Manila
Roman d'amourWorld Trip Series 5 Criselda is the breadwinner of their family, even though she's still studying and working part-time, she fulfills the needs of her family and her own self. That's what she thought she can do all when she met her own storm. A dif...