Special Chapter 1
Long DistanceWhen I landed into the Incheon International Airport, I felt so scared. Para bang biglang bumaliktad ang sikmura ko at gusto kong bumalik ng eroplano palipad ng Manila. Gano'n iyong initial kong naramdaman. Naghanap talaga agad ako ng banyo dahil feeling ko masuka-suka ako.
Siguro dahil lang iyon sa excitement at sa sobrang kaba. Hindi ko naman maitatangging bago sa akin ang lahat ng ito. But I'm ready for these challenges. Hindi ko naman tatanggapin ito kung hindi malakas ang loob ko.
Good thing, iyong nakatabi ko kanina sa airplane na pinay ay sobrang bait. She even gave her social media name para kapag na-homesick daw ako, we could hangout o kaya naman makapag-usap daw. She could give me some tips where to go on my free time and other things na nilo-look forward ko rin.
But the scary part is, I need to do this by myself. Being away from my family and all. Alam ko naman na kahit nasa malayo ako ngayon, matindi ang suportang ibinibigay nila sa akin. And I know Bennett does the same thing for me.
Pagkakuha ko ng mga gamit ko, doon ko lang din na-realize na may ilan akong nakasabayan na nakasama ko rin kanina sa flight ko. When I saw the coaster na magdadala sa hotel na tutuluyan namin ay sabay-sabay rin kami ro'n. Ang ilan pala sa kanila ay intern din na sponsored ng mga Mercondia. Kung hindi ko pa nalaman 'yon, hindi ako magiging komportable nang mabilis dahil no'ng on the way na kami sa hotel namin, nakapagpalagayan ko ng loob ang ilan sa kanila. Iyon nga lang, magkakaiba kami ng mga papasukang kompanya.
Napagkasunduan na lang namin na sa weekend o araw na walang trabaho ay susubukan naming mag-iikot ikot sa city. Knowing that I could get along with these people who are same as my age, hindi na ako mangangamba pa.
As soon as we arrived and got into our own rooms, mag-isa lamang ako sa kwarto ko. This would be my hotel room for the rest of my stay here in South Korea. The Mercondia Sponsoship provided all of it at ang kailangan ko lang gawin ay galingan at maipakita sa sponsors ko na worth it ang pagpapadala nila sa akin dito.
Humiga muna ako sa kama upang makapagpahinga. Nang lumapat ang malabot na comforter sa likod ko ay halos lamunin ako nito sa lambot. I wished I was with my friends today. Si Dolly at Serron kasi ay sa Louisiana sa United States ang napiling pasukan ng OJT habang si Tessa naman ay sa isang local company sa Pilipinas. Magkakaiba man kami ng mga tinatahak ngayon, but I know that at the end of the day, fulfilled kaming babalik ng bansa sa mga tinapos namin.
I immediately messaged my family na nasa hotel na ako. Hindi pa agad sila nag-reply kaya sinubukan kong i-message si Bennett na mabilis ding nabasa ang message ko. Instead of replying, he called on a video.
Bumungad naman sa akin ang super close-up niyang mukha sa screen. Namuo agad ang ngiti ko.
"Did you just get in there?" he asked. Inilayo naman niya ng kaunti ang phone kaya napansin ko na nakahiga siya sa pwesto niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Rainy Season in Manila
RomanceWorld Trip Series 5 Criselda is the breadwinner of their family, even though she's still studying and working part-time, she fulfills the needs of her family and her own self. That's what she thought she can do all when she met her own storm. A dif...