Chapter 33
Bennett and I woke up with a sad news na hindi kami matutuloy sa Itbatan ngayong araw. O kaya naman sa Sabtang dahil sa sama ng panahon. Because we were ot the whole day tomorrow ay hindi na namin na-check ang panahon. Bigla na lamang umulan kaninang madaling araw kaya no'ng tinawagan ni Bennett 'yong magdadala sa amin sa kabilang isla ay sinabihan kaming hindi na tuloy dahil na rin sa magiging epekto no'n sa alon ng dagat.
Kung maging maayos man daw ang panahon mga bandang hapon ay pwedeng matuloy, iyon nga lang, mukhang hindi na rin sapat ang ilang oras dahil by midnight ay kailangan na rin naming tumungo sa Basco Airport pabalik ng Manila.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ko kay Bennett. Ready pa naman na ang gamit namin ngayon.
Napabitaw na lamang siya ng malalim na hininga at napailing. "I actually don't have any idea... I thought we'll make it today."
"Sayang naman... akala ko makikita ko na ang Taiwan."
"Why do you want to see it there when you can make it happen?" balik na tanong nito sa akin. "Like we can spend another travel in Taiwan next week if you'd like."
Agad naman akong umiling sa plano niya. "No. Hindi pwede. Alam mo naman na busy na tayong dalawa pagpasok pa lang ng November, e. I've had my presentation at kailangan ko talaga tutukan 'yon since malaki ang nakasasalay. And you also have your national pageant na dapat mong ayusin ang training. From what we've done from the past few weeks, ligwak ka kaagad."
He frowned when he heard me said that. "What did you just say?" he asked. Tinigil niya pa 'yong ginagawa niya. Itinikom ko ang bibig ko at umiling. "No, you said something like I'm not that good enough, right? Na ligwak agad ako?"
"Nope. Mali ka ata ng narinig mo. Kailangan mo na maglinis ng tainga mo, Bennett."
"Uh-oh, that's not what I've heard, Sel." Ngisi pa nito at saka siya dahang-dahang lumapit sa akin at dinamba ako sa kama.
Mabilis ko pang kinuha ang unan sa tabi ko at iniharang sa mukha ko kasi baka halikan na naman niya ako ng wala sa oras. Pero iba ang ginawa niya kung hindi ay sinimulan niya akong kilitiin sa tagiliran ko. Para akong tanga na nagsisigaw at pinigilan siyang gawin 'yon pero patuloy niya pa rin ginagawa 'yon hangga't sa nasipa ko siya at nahulog sa kama. Agad akong napabangon mula sa pagkahihiga ko sa kama at sinilip si Bennett na nakahiga sa sahig.
"Ayos ka lang?" nangangamba kong tanong sa kanya.
He slightly shook his head. "My head dropped first," he said. "Would you like to give me a kiss here?" He then pointed his lips. "It could help me though."
I rolled my eyes on him at hinampas ko siya ng unan. Mabilis siyang bumangon sa pagkahihiga niya at kanya akong kinulong sa bisig niya at matumba kaming dalawa sa kama. Hindi niya ako pinakawalan hangga't sa kumalma kaming dalawa at tanging ang ulan lamang sa labas ng hotel ang naririnig namin. Unti-unting lumuluwang ang pagkayayakap niya sa akin pero mas pinili kong manatili ro'n.
"This is nice..." bulong nito. "I could spend the whole day here with you."
Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga nang banggitin niya 'yon. It still feels weird for me pero hindi ko na lamang iniisip masyado at nilalagyan ng malisya. Maybe... Bennett was just trying to be so nice and clingy to me kaya ganito kami ka-close sa isa't isa ngayon.
"What do you think, Sel?"
I shrugged off. "Ewan ko... bumalik na lang muna tayo sa pagtulog. Alas y cinco pa naman ng umaga."
"You don't wanna see the sunrise?"
"Ah... siguro next time lang ulit?"
Bahagya kong narinig ang paghagikgik ni Bennett. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkayayakap sa kanya at ilang minuto na rin ang nakalilipas hangga't sa marealize kong tinulugan niya ako. I tried to close my eyes while we're still in the same position, he's hugging me from behind so he wouldn't be able to see my face. But he's right... this is nice. It's getting more comfortable with him. It's making me feel more secured with him.
BINABASA MO ANG
Rainy Season in Manila
RomanceWorld Trip Series 5 Criselda is the breadwinner of their family, even though she's still studying and working part-time, she fulfills the needs of her family and her own self. That's what she thought she can do all when she met her own storm. A dif...