Chapter 6
I kept fidgeting with the toy car for the past few minutes. It was the toy car that Bennett gave to me—actually for my little brother then I thought of intending to keep it so it's mine now.
I took it with me kasi no'ng weekend, naabutan ko 'yong kapatid ko na pinaglalaruan 'yon. He thought it was for him, technically speaking yes, but because that toy car came from someone whom I just met, I just couldn't give it to my brother and now it has a different meaning for me. It's kind of weird, pero siya naman 'tong gumastos so I can keep it for free.
And I haven't unblocked his number, nor I ever will. Nagdadalawang-isip ako pero sa isip-isip ko, I don't think it's necessary to have him engage in communication again since hindi naman relevant ang mga nangyari. He was just offering something too good to be true to me and I think that's a cap. In short, kalokohan.
"Criselda, are you okay?" tanong ni Archie sa akin. Kinalabit niya pa ako para makuha ang atensyon ko. Inihilig ko ang ulo ko sa kanya at bahagya ko siyang nginitian. "You seems lost."
I scrunched my face and shook my head. "I'm not lost, Archie. Nandito lang ako, hello?"
Binawi ko ang kamay ko mula sa loob ng bag ko kung saan pinaglalaruan ko ang laruang sasakyan. Umayos naman ako ng pagkauupo ko.
"No, that's not what I'm saying," Archie reasoned.
Naramdaman ko naman ang paniniko ni Serron sa akin. Tiningnan ko naman siya.
"Lutang again," komento niya. Naningkit na lamang ang mata ko sa sinabi niya. "Anyway, kung ano man 'yang iniisip mo ngayon we can talk that about later, but as we were discussing, mukhang makapag-de-decide na tayo for the topic of our research."
Pinakita naman nila sa akin 'yong papel at nang basahin ko iyon ay ang suggestion ni Archie ang napagkasunduan nila. Nag-agree na rin naman ako dahil mukhang go na rin sila sa magiging topic at hindi na naman ako aangal kung komportable na silang lahat do'n.
I'm only listening to their discussion and I'm only putting my suggestions when they asked. Katabi ko lang si Archie and he's quite vocal sa suggestion niya kaya hinahayaan ko na lang din siya magsalita. Tinititigan ko rin siya. Siguro wala namang masama ro'n. May pagkasingkit ang mga mata nito, matangos ang ilong, may perfect white teeth—mukhang alagang-alaga, at ang nice ng aura niya—or siguro dahil sa gupit niyang clean cut kaya ang bango niya ring tingnan.
When our class ended, hindi pa kaagd kami umalis ng room at hinintay na mag-alisan ang ibang estudyante.
"So, kumusta ang group discussion?" tanong ni Tessa nang makalapit sa amin.
"Well, we're actually doing great," si Serron ang sumagot. "May napagkasunduan na kaming topic. All are going well pero si Isel mukhang bangag na naman this time."
Tessa chuckled. "Oh, I see. Alam ko naman kung bakit."
"'Wag ka maingay, Tessa," babala ko sa kanya.
Pinipigilan naman nitong matawa. "Bennett pa more!"
"Tessa!" I exclaimed. Um-echo na lamang ang boses ko sa loob ng kwarto.
Natigilan naman silang dalawa. Doon ko lang din na-realize na hindi lang pala kaming apat ang natitira sa loob ng room. When Archie spoke and excused himself, halos mapayuko na lamang ako sa kahihiyan.
Sinubukan ko siyang habulin sa paghampas ng bag ko pero mabilis naman niya iyong naiwasan.
"Baliw ka talaga, Tessa!" Pag-irap ko pa ng mata at pagbawi ng bag ko. "'Wag niyo na lang pansinin 'yong sinabi ni Tessa. Gawa-gawa lang 'yan. May mapang-asar lang."
BINABASA MO ANG
Rainy Season in Manila
RomanceWorld Trip Series 5 Criselda is the breadwinner of their family, even though she's still studying and working part-time, she fulfills the needs of her family and her own self. That's what she thought she can do all when she met her own storm. A dif...