Chapter 23

393 36 2
                                    

Chapter 23

The next thing I knew, may taong nakahawak na sa braso ko at ini-angat ako nito pabalik sa ibabaw ng tubig. Nang makaahon at mabawi ko ang hininga ko ay ro'n ko lang na-realize kung sino iyong lalaking sumagip sa akin.

None other than Bennington.

Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Inayos ko naman ang buhok na tumatakip sa mukha ko. Nakapalibot ang braso ko sa balikat ni Bennett. Ramdam ko rin naman ang kamay niyang nakahawak sa beywang ko upang suportahan ako at hindi muli malunod. Kahit hindi ko ilingon ang ulo ko sa paligid, ramdam ko ang ilang tinginan ng mga tao sa amin—lalo na sa akin.

"Are you okay? May masakit ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Base pa lamang sa tono nang pananalita niya, ramdam kong nangamba siya sa sitwasyon ko. I was never expecting that to happen. Mismo ako ay nagulat na lamang na mangyari 'yon.

Tango na lang naisagot ko kay Bennett.

"You fell on the eight feet part of the pool. Can you swim?" he asked and I shook my head, gazing away from his eyes. Napabitaw naman siya nang malalim na hininga. "Alright, just hang on in me."

"Oh... okay..."

Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa balikat niya. This is actually the first time we've gotten so closer, like skin to skin. He's topless and I'm almost naked with my swimsuit. But there's no sexual attractions in it, and I don't know what feelings am I sensing pero ayokong makasira ng relasyon ng ibang tao.

Dahan-dahan kaming lumapit ni Bennett sa edge ng pool. Ate Mallory reached out for me while Bennett helps me to get above the water. Nang makaupo naman ako ay agad naman akong tinanong ni Ate Mallory kung okay lang ako. She even checked my head kung nabagok ako or what. Umahon naman si Bennett sa pool using the strength of his arm and sat next to me. Nilapitan naman siya ni Cinema and he was just shaking his head on her.

"How are you?" Archie asked.

"I'm fine... wala rin namang masakit sa akin," pagpapakombinsi ko sa kanila na hindi naman ako nasaktan sa pagkahuhulog ko. "'Wag na kayo mag-aalala, we should be having fun! Mababasa rin naman tayo, e."

Tumayo naman ako at inalalayan ako ni Archie kasi baka mahulog na naman ako sa pool. I'm not even sure kung nadulas nga ba talaga ako o may tumulak sa akin.

"O, nasa'n na 'yong magjowa?" tanong ni Ate Mallory.

Nang lingunin naman namin sina Bennett at Cinema ay nahagip na lang namin na naglalakad sila palayo, sa may garden area ng resort.

"Drama na naman siguro 'yon," komento ni Ate Mallory. "Anyway, we should get on the pool na. 'Wag natin gayahin si Isel na nagda-dive sa eight feet! Girl, pinakaba mo kami! Ang tagal mo pang umahon at kung hindi kay Bennington, hindi ka pa makaaahon ulit."

"Ako sana sasagip sa 'yo, e, ani Archie. Napakamot naman siya sa ulo niya. "Kaso nauna na si Bennett kaya hinayaan ko na lang din siya. He swam so fast kaya narating at nasagip ka niya agad. Good thing for that."

"Buti na lang din at marunong lumangoy si Bennington." Buntonghininga pa ni Ate Mallory. "Pakurot nga muna, Archie! Ngayon lang kita nakitang topless, a!" inabot naman ni Ate Mallory ang nipple ni Archie saka niya kinurot 'yon. Nanggigil siya bigla at tiniis ni Archie 'yong sakit at natawa na lang bandang huli.

Tumungo na naman kami sa kabilang side ng pool kung saan mas safe at pwedeng mag-floating. Hinawakan niya pa 'yong kamay ko kasi baka mahulog na naman ako.

Naglakad kami at lumipat sa kabilang part. Kasama namin iyong mga pinsan nila at nagsimula kaming lumangoy. Pansin naman namin na ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik iyong dalawa.

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon