Chapter 14

424 35 3
                                    

Chapter 14


"Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Isel?" tanong ni Tessa.

Tumango naman ako. "Yes, may daraanan lang ako saglit."

"Gusto mo ba samahan na nakita? Alam mo na, medy delikado kung uuwi kang mag-isa."

"Ayos lang, kaya ko naman."

"O baka naman sa motel ang punta mo, inday?" Pumeywang pa si Serron.

Sinang-ayunan din naman siya ni Dolly. "I highly believe so."

I grunted and rolled my eyes. "First of all, hindi ako pupunta ng motel at kung ano man 'yang iniisip niyo. May daraanan lang ako saglit. Hindi rin naman ako gagabihin so I'll be fine. Kayo ba? May pupuntahan ba kayo?"

"Well, may daraanan lang kami ni Dolly sa mall. May bibilhin lang kami, baka bet mo ng sumama sa amin?" pag-anyaya naman ni Serron.

Umiling naman ako. "No, hindi na. Hindi rin naman sa mall ang punta ko."

"Ay, may ka-date 'to panigurado," hula ni Dolly. "Tama ba ako?"

Muli akong umiling. "Hindi. Wala akong ka-date. Wala akong secret jowa o kung ano pa man 'yang iniisip niyo. And Archie is just a friend. Ka-grupo ko lang din siya sa research so I really don't have any feelings for him."

"Mamatay man?" panunudyo ni Serron.

"Napakulit. Aalis na nga ako." Nagbabadya naman akong tatalikuran silang dalawa. Pinigilan naman ako ani Tessa.

"Teka, saan ka nga ba talaga pupunta? May night shift ka ba ngayon?"

"Wala naman. Sa Sabado pa ulit pasok ko do'n. Bakit?"

"Wala lang. Natanong ko lang din naman kasi curious din ako kung saan ka pupunta."

"'Wag kayong mag-alala, I'll be fine. Mabilis lang 'yon. As in, mga ten to fifteen minutes lang, uuwi kaagad ako. Bakit Tessa, may ipabibili ka ba? Pwede ko namang idaan kung gusto mo."

"Sige, 'yong usual na binibili ko na milk tea."

"Pera?" tanong ko.

"Mamaya na pag-uwi mo saka kita bayaran." Ngiti pa ni Tessa.

"Okay, fine. Mauna na ako, see you tomorrow!"

As we all separated, sinigurado ko munang hindi nila ako masusundan. I have to keep my distance away from them so I can finally do this thing on my own. I didn't send him a message na pupunta ako o kung ano man. He'll be there kahit wala akong sabihin. I just don't know if he'll wait there and be true to his words. I don't have a clue what he's real intentions are, but I'm figuring it out now so I have to stop dealing with it.

His message was my guide on where to meet him. This is not the usual place where people would go, but I believe ayaw niya lang sa maraming tao—or maybe, ayaw niya lang makita siya ng mga tao na may kasama siyang ibang babae aside from his girlfriend.

I feel like he's cheating on me now sa puntong ito pero dahil hindi naman iyon ang intensyon namin, I should feel fine pero bakit nagi-guilty pa rin ako?

Nilakad ko na lamang iyong meeting place naming dalawa ni Bennett. Hindi rin naman kalayuan 'yon. Nasa San Anton street corner ng Earnshaw street iyon. Hindi kalayuan kaya ayos lang sa akin. At hindi pa rin naman gano'n kadilim, maliwanag pa ang kalangitan at sa tingin ko'y walang pagbadya ng ulan kahit sabi sa forecast kaninang umaga ay uulan kinagabihan pero sana makauwi muna ako bago umulan.

Panay rin ang tingin ko sa paligid. Malakas ang panalingin ko na sana'y hindi sumunod 'yong tatlong ungas. May mga pagka-chismosa pa naman 'yong mga 'yon. They don't wanna be left out kaya gagawin nila kung anong gusto nilang gawin, but I feel like na hindi naman sila sumunod.

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon