Chapter 3

740 48 1
                                    

Chapter 3


"Girl, tulala ka na naman," pagpuna sa akin ni Dolly. "Kaya siguro nasasabihan ka ng ka-work mo na lutang."

Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga at bahagyang pinakawalan iyon.

"I believe may boy problem na ang kaibigan natin ngayon," ngisi pa ni Tessa.

"Oooh," Serron swooned. "Bet mo na magpatusok, girl?"

Kumusot ang mukha ko sa sinabi niya at salubong ang kilay kong hinarap siya. "Tusok mo mukha mo! Kadiri ka."

"Sige, tusok mo, go!" Panunudyo pa nito sabay buka ng bibig sa pag-asang may itutusok nga ako sa bibig niya. Alam ko naman kung anong tinutukoy niya kaya 'di bale na lang. "Weak ka pala, e."

"Nye, nye. Weak mo mukha mo!" Balik ko sa kanya sabay irap.

"'Wag niyo nang galitin ang tita niyo, mukhang wala sa mood," ani Tessa. Tinapik naman niya ang balikat ko at bahagya ko siyang nilingon. "Okay lang 'yan, Isel. Boys shouldn't—"

"Hindi nga kasi boy problem 'to!" iritado kong usal sa kanila. Nanahimik naman silang tatlo at pumirmi sa kanilang kinauupuan. Napasinghal na lamang ako. "Wala. Hindi naman ako bad mood."

"Ah, so bet mo lang mag-inis-inisan?" tanong ni Serron. "Naku, girl. If boy problem nga 'yan, hindi mo na kailangan pang maghanap ng ibang tao. You already have the right person. You know what I mean." Aniya sabay kindat pa sa akin.

"Secret lang natin 'to, a," ani Dolly. Natuon naman ang atensyon namin sa kanya at bahagyang lumapit dahil niliitan pa niya ang kanyang buhos. "May naka-ONS na naman si Serron."

"Hoy, gaga!" Agad na binatukan ni Serron si Dolly sa ulo. Muntikan pa itong mahulog sa kanyang kinauupuan pero hinigit din naman siya pabalik nito. "Gaga ka talaga. Walang gano'ng nangyari, saka if ever meron man, bakit ko pa itatago?"

"Ay so wala talagang ganap?" tanong ni Tessa. Umiling naman si Serron. "Ay sad naman. Hindi ka na naman nadiligan."

"Ay nagsalita ang hindi pa nadidiligan," panunuya pa ni Serron.

Tumaas naman ang kilay ni Tessa. "For your information, may kasunduan kami ng boyfriend ko na hinding-hindi kami mag-se-sex until we get married. Banal 'yon, ano ka ba. He follows the rule and I respect him a lot so that's not even a problem for me."

"Sana all," komento ni Dolly. "By Criselda Sabangan."

Sumalubong ang kilay ko nang banggitin niya ang pangalan ko. "Nadawit na naman ko r'yan?"

"Ay slow," komento ni Tessa. Sabay namang tumawa ang tatlo at para akong na-out of place bigla. I tried to ignore them at nagsuksok na lamang ako ng earphone sa tainga ko at nagsimulang i-play ang music.

I'm trying to convince myself to get out of this place as soon as possible. Ewan ko ba, gustong-gusto ko na grumaduate. If there's a chance to work abroad, hindi ko na palalagpasin pa 'yong pagkatataon na 'yon. If that's how I'm going to save up for my future then I'll sacrifice everything I have. Kung ngayon pa nga lang, I'm doing everything I can to support myself and my family. Just to get away with this situation, I need that future now.

Mayamaya lamang ay naramdaman ko ang pagkalabit nila sa braso ko.

"Ano ba 'yan! 'Wag magulo," iritado kong pagsaway sa kanila.

May humila at nagtanggal naman ng suot kong earphone at nakita kong hawak ni Serron iyon. "Girl, nandiyan na prof natin. Tama na sound trip."

Agad din naman akong umayos sa pagkauupo at pinatay ang music ng phone ko. Sinuksok ko naman iyon sa loob ng bag ko at itinuon na ang atensyon ko sa professor naming inaayos ang kanyang projector.

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon