Chapter 30

426 38 1
                                    

Chapter 30

"Bakit napakatagal mo naman magbanyo? Taeng-tae ka na ba?" tanong ni Serron nang makabalik na ako sa kanila.

Bahagya ko siyang hinampas sa braso niya. "Ano ka ba! Ang dumi na naman ng isip mo. Hindi ako tumae. Utak mo talaga, Serron."

"Nakipagchikahan ka pa ro'n 'no?" tanong ni Dolly.

Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya. "Sino namang chichikahin ko ro'n? Imbento talaga kayo."

"Ginigigil niyo na naman si Isel!" Halakhak pa ni Tessa. "Anyway, sasama ka pa ba sa amin ngayon?"

"Bakit saan punta mo?" mataray na tanong ni Serron.

Agad naman siyang siniko ni Dolly. "Gaga! 'Di ba, alam mo na kung saan?"

Napaikot na lamang ang mata ko sa usapan nilang dalawa. "Alam kong alam niyo naman na si Bennett ang kasama ko mamaya. Siya naman ang nagyaya sa akin na sumama so 'wag niyong gawan ng malisya 'yon."

"Sinong nagsabing may malisya 'yon para sa amin?" Pagtaas pa ng kilay ni Dolly. "Just enjoy and have fun, girl. Wala talaga 'yong malisya sa amin. Pero nakapagpaalam ka ba kay Archie?"

I pressed my lips together and slowly shook my head.

"Ay! Iyon lang!" Halukipkip pa ni Serron. "Kung hindi mo sasabihin 'yon sa kanya, magtatampo 'yon sa 'yo. Sinabi niya nga sa 'yo na hindi siya makasasama sa atin ngayon dahil umuwi siya ng Cavite tapos ikaw 'tong pupunta ng Batanes, hindi ka nagpaalam sa kanya. Mahu-hurt 'yon."

"Truth lang!"

"Oo nga! Anong plano mo ngayon, Isel?" tanong ni Tessa.

Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga. "Oo na, tatawagan ko siya later. Siguro maiintindihan naman no'n. Bestfriend naman niya ang kasama ko."

"O, e, tingnan na lang natin!" Pamamaywang pa ni Serron. "Pero if hindi ka na sasama sa amin dahil may quick get-out kiyeme celebration, gogora na kami kasi baka ma-traffic pa kami on our way."

"Push, go lang. Didiretsyo na naman ako sa condo ni Bennett since ang usapan namin ay seven kami magkikita," sabi ko pa. "Nando'n na naman 'yong gamit ko sa condo niya. Kinuha niya kaninang umaga para diretsyo alis na kami mamaya."

"Go, girl! Ilaban ang Bataan!" Pagyakap pa sa akin ni Serron. Muli ko naman siyang hinampas. "Biro lang, pero kung mangyari man, huwag mo munang isusuko, okay?!"

Napangisi na lamang ako. "Girl, wala naman 'yon sa isip ko 'no. Never in my dream to do that to someone nang hindi pa kinakasal."

"Ouch," ani Serron sabay hawak sa dibdib. "Anyway, okay lang basta nasasarapan at the end of the day. So, good luck and have a safe travel, darling!"

Isa-isa naman nila akong niyakap. Bago sila umalis ay hinintay mula nilang dumating ang sasakyan na binook ko patungo sa condo ni Bennett. When it arrived and I left them three at the arena, saka naman sila nagbook na rin para tumungo sa kung saan man nila bet pumunta. Hindi na nila sinabi sa akin kung saan, but I'm so sure na si Serron na naman ang may pakana no'n. Hopefully, Serron won't end up with a dick in his mouth.

Hindi rin naman nagtagal nang makarating na ako sa condo ni Bennett. I've informed him na parating na ako so I think naghahanda na rin 'yon. Hindi ko naman chinichika sa kanya 'yong ganap kanina sa competition at hindi ako sure kung nasagap na niya 'yong balita na ang school nila ay nag-second place after us.

Pagkababa ko ng sasakyan ay hindi naman ako nahirapang hanapin si Bennett dahil nag-aabangan na 'to sa akin sa labas ng building. He's wearing a black hoodie, pants, and a plain cloth face mask covering half of his face. Ako na hindi pa nagpapalit ng damit at walang balak magpalit dahil sa tingin ko, no need na naman na. Hindi naman ako mukhang madungis.

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon