Chapter 26

386 42 3
                                    

Chapter 26

"Kilala niyo ba si Baek Jin-Hyeong?" tanong ni Serron. Hindi naman ako interesado sa usapan nila. Sila lang ang mahihilig sa k-drama at k-pop kaya nga binabash nila ako na gusto kong mag-internship sa South Korea tapos hindi ko bet 'yong mga 'yon. May pasaring talaga sila pero hindi naman siguro requirement? Nakanood na rin naman ako at nakakinig ng mga pop songs nila, pero hindi talaga ako die-hard fan na gagastos sa albums, concerts, and other stuff. Nasa lower level lang ako.

"'Yon ba 'yong K-pop superstar na kinabaliwan globally no'ng 2019?" tanong ni Dolly.

"Yes, siya nga! Tandaan mo ba last year din na isa siya sa mga na-enlist for the compulsory military training nila?"

"Ah, oo! Remember ko pa. Sikat na sikat siya no'ng time na 'yon, umaariba 'yong music nila ng group nila globally. Katatapos lang din no'ng k-drama niya bago siya ma-enlist no'n. Sayang talaga pero sana makabalik kaagad siya. Gwapo-gwapo pa naman. Miss ko na 'yong mga higop moments niya."

"Gaga, 'yon talaga inabangan mo 'no?! Ako nga nag-aabangan kung kailan 'yan sila mag-concert dito tapos hindi rin natuloy. Pero girl, this coming December ay madi-dismiss na siya sa military training niya! I think mag-eighteen months na rin 'yon by that time. Excited na akong makita siya ulit."

"OMG! Buti na lang pinaalala mo siya. Gusto ko na rin tuloy sumama kay Isel na mag-internship sa SoKor!" Binalingan ako ng tingin ni Dolly at may kasabay pang pag-wiggle ng kilay niya sa akin.

Napabuntonghininga na lang din ako kasi hindi pa rin naman sure kung matutuloy ako ro'n. Nagpapatulong pa ako kay Ate Kiersten pero since balik London siya, ako ang haharap sa mga Mercondia to apply, but with referral para sure na sure na.

"Patingin nga ng hitsura," request ni Tessa. "Hindi ko siya matandaan pero nakanood na ako ng ilang k-drama... though not much sa music, e."

"Teka, hanapin ko lang." Nagmamadaling hinanap ni Serron sa kanyang phone ang picture no'ng Korean na tinutukoy niya. Agad naman niyang pinasa kay Tessa nang makahanap ng picture.

Napatango na lamang si Tessa nang tingnan. "Ah, oo, may napanood akong k-drama niya. Magaling nga 'yang umarte. Gwapo pa saka totoo sa sinabi niyo na higop moments. Higop master ata 'yan, e."

"Sinabi mo pa." Hagikgik ni Dolly.

"Pero teka sino 'tong kasama niya sa mga picture? Girlfriend niya ba 'to?" Pagtukoy ni Tessa sa picture na agad namang sinilip no'ng dalawa kung sino 'yong tinutukoy niya.

"Ah, hindi niya 'yan girlfriend," sagot ni Serron. "Sa pagkaaalam ko, dating personal assistant 'yan ni BJH. Pinay 'yan, Raijine ata pangalan niyan. Kasi alam mo na, half-Pinoy din naman 'tong si BJH kaya kung napanonood mo sa mga news dito sa atin, minsan lagi siyang hina-highlight kasi alam mo na pinoy pride! Pero do'n naman lumaki si BJH sa Korea."

"Interesting," komento ni Tessa, "Infairness, a, ang dami mong alam tungkol sa idol mo na 'to."

"Ay, ako pa ba, Tessa?! Kapag tungkol sa Korea, 'wag na 'wag ako ang kakalabanin, baka taob kaagad sila sa akin," pagmamayabang pa nito.

"Talaga ba? 'Di ba, may mga nagsasabing bakla naman 'yong ibang male idols do'n?" tanong ko, biglang singit. Gusto ko lang umepal.

"Hoy, girl, grabe ka!" paninita sa akin ni Dolly. "Mamaya kapag pinost mo 'yan socials mo, aatakihin ka ng mga basher. Though for me, hindi naman totally gay, siguro kasi iniisip ng iba dahil sa make-up, bright hair colors, o kaya naman sa plastic surgery pero girl, hindi naman iyon ang batayan. Naghahanap lang talaga sila nang ikasisira o ng mali. They're perfect to us kung ano man ang gender nila. That's them, we're only a fan and we're here to support them. Basher ka ba, Isel?"

Rainy Season in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon