XIX. More Confusions

301 9 5
                                    

5

4

3

2

1

►play



*Alice**


Agad agad kong pinuntahan si Magnolia kung saan ko siya iniwan. Hawak hawak ko pa nga yung ulo ko kasi masyadong masakit eh. Parang nadroga ako o kung ano. At parang ganun din si Superior. Tss, Pero ang nakakapagtaka ay bakit parang basa ata ang lupa na aking inaapakan ngayon eh tirik na tirik naman ang araw?

Tapos, isa pa, feeling ko din, ang lamig lamig. Luh? Eh tirik na tirik nga yung araw Alice diba?

Tss, di bale na. Pagkapasok sa Training grounds, hinanap agad ng mga mata ko ang bleachers namin ni Magnolia.

There she is. Sleeping again.

Haaay, akala ko kung ano na ang nangyari. Nag-alala ako ng todo ah.

Another weird observation.

The people here looked drugged.

Nakatingin lang sila sa hangin tapos ewan ko kung guni guni ko lang pero yung mga pisngi nila, nagkukulay blue. Kahit yung charon nga e, Binabalot ang sarili sa scarf na hawak hawak niya.

Tapos si Lucy. Nakikita ko na si Lucy. Tinitingnan niya si Maggie, pero hindi siya gumagalaw.


"Lucy!" 

I called her kaya naman dahan dahan siyang lumingon sa akin. She don't have that blue pigment na makikita sa mga cheeks ng iba pang guro at estudyante.

When she fully recognized me. Tumakbo siya papunta sa akin habang umiiyak. Luh? Nakakaloka na talaga to, grabe.

"what happened?" 

tanong ko sa kanya nung masyado na kaming nagkalapit. Pero ang sagot niya sa akin ay isang mahigpit na yakap. Umiiyak siya ng sobra sobra. Nanginginig siya at ang lamig lamig ng katawan niya.

Eww, basa agad yung damit ko. Baka may kasama pa siyang sipon niyan ha..


"A-alice.. *sniff* Alice *sniff*"

Dahil nga sa mabait ako, sinuklian ko ang yakap niya ng pagpapatahan sa kanya. Dapat bang hind ako umalis kanina?

"Nasaan ka ng kailangan ka nila, Alice?" 

Nabigla nalang ako sa isang pamilyar na boses na aking narinig sa aking likuran. Naaks, Ang drama ng sinabi niya sa akin ah.

If you want to know who's this pokemon, Siya lang naman si David Carstairs. Naalala niyo pa ba yung Nuada hunt? Siya kasi yung parang naging kasa-kasama ko dun ehh.


"What do you mean?" Sagot ko sa kanya.

He patted my shoulders. Malamig ang kanyang mga palad. Bakit ba ang lamig lamig ng mga tao ngayon?

Sakto namang bumalik na sa tamang pag-iisip ang lahat. Humawak hawak na kasi sila sa mga ulo nila eh. That made me think na baka naexperience din nila yung naexperience ko.

Hindi na siya sumagot pa at dumiretso nalang doon sa may charon. Well, duh? Ano naman pake ko dun sa taga quadrant C na iyon?

Dinala ko nalang uli si Lucy sa bleachers kung saan natutulog si Magnolia. Pero nabigla nalang ako ng medyo hinigit ni Lucy ang kamisedentro ng damit ko.


"Lucy?"



"Ah, ano kasi Alice.. Si Maggie. Sige, puntahan natin si Maggie."


Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung bakit umiiyak si Lucy pero, mapapag-usapan naman yan mamaya diba? Pumunta na kami kung nasaan si Maggie.

"Freshmen, Quarters C and D.. Your sectioning was moved. Everybody, dismiss."   -boses ni Thunder Vlad. Tss, ang gulo gulo naman ng mgapangyayari.

Nang makaabot na kami sa pinakagilid na parte ng bleachers kung saan himbing na himbing si Magnolia, Hinawakan ni Lucy ang mga kamay ko. Pinabayaan ko nalang siya at pumunta kay Maggie.

Pansin ko lang, di rin nagkukulay blue yung pisngi ni Maggie. Anong meron?


"Magz, Magz, gising na. Uwi na daw tayo." 

tinapik tapik ko siya sa braso. Wow, ang init ni Maggie. Ano bang meron? May lagnat ba tong babaeng ito?


"Uy, Magz.. Magnolia.. Williams.. Tangna, gising na." 

Mukha mang matalas ang tono ng pananalita ko pero yung totoo? Kinakabahan na ako. Bakit ba ayaw magising nitong si Maggie?


"Mag--"

"Alice." pagpuputol ni Lucy sa akin. Tsk, kinakabahan ako.

"Alice. Dalhin natin si Maggie kay superior."

"Ba-bakit ba?!" 

Hindi na ako makapag isip ng maayos. Dalhin kay Superior? Natutulog lang naman si Magnolia diba? Diba?!

"Dalhin niyo na lang siya sa bahay." 

Isang malamig na tono ang narinig namin. Si superior na nakalutang sa himpapawid. Nakaupo sa isang kumpol ng dahon. Kung titingnan ay para siyang nagduduyan.

Wala kaming nagawa, dinala na namin si Magnolia sa bahay.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi to dahil sa anong kalandian o kaek-ekan. Talagang kinakabahan lang ako. Pagkatapos ay may naramdaman akong mainit na likido sa aking mga pisngi. Aishh, ngayon umiiyak ako sa hindi ko alam na dahilan.

Maggie.. Alam ko, hiniling ko na sana wag ka nang magising. Pero. Maggie, please.



To be continued..

♥Silent_survivor

READ

VOTE

COMMENT


RED- FRIEND OR FOE? 

Book 1:Elber's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon