IX. Nuada Hunt pt. 2

633 17 0
                                    

starting in

5

4

3

2

1

►play



***Third Person***


Nagsimula ng magkwento ang binata sa mga dinanas niya samantalang ang babaeng humingi ng kwento ay hindi man lang nakikinig.


"Pinatakbo ko ang kapatid kong babae upang makaligtas sya mula sa mga midgard. Dahil nga sa Earth bearer ako, okay lang na matabunan ng putik. Hindi ko naman yan ikamamatay. Isang protection spell lamang ang naging dahilan kung bakit pa ako buhay ngayon. Hindi ko inakala na sadyang malakas ang mga midgard. Kahit na naka schutz atem ako ay nagkaroon parin ako ng matinding pinsala. Ilang minuto rin akong nasa ilalim ng putikan at nakikipagpatintero sa mga ahas nayun. Nang medyo nakaahon na ako, hindi ko alam na---"

"Okay stop. I get it. You got that enormous midgard as your nuada. Congrats"

"Ikaw yung nagpapakwento tapos ngayon, magagalit ka? Problema mo?"

"Di mo na siguro kaylangan tulong ko no? Sasabat-sabat ka pa.. Jan ka nga! Maghahanap pa ako ng bonnacon. Konti nalang time ko dito. Ciao!"

(bonacon:multimedia-lower right) 

Malas lang ni Tim na ang baliw na si Lucy ang nakahanap sa kanya. Kaylangan nyang hanapin ang kapatid niya ngunit  ang katawan niya mismo ang ayaw gumalaw. Masyado siyang pagod at iniwan lamang siya ni Lucy. Wala na siyang nagawa kundi mahiga na lamang sa pagod.


Samantala, ang kapatid niyang si Dorothy ay may napusuan naring nuada. Isang wisp.

May tatlong uri ng nuada. Ang mental, may kakayahang magpagaling at gumawa ng ilusyon o kahit anong laro na nabubuuo sa isip. Ang strength na masyadong magaling sa pakikipaglaban. At ang legendaries, na makikitaan ng dalawang katangian.

Sa  sitwasyon ni Dorothy, mental ang nuadang napusuan niya. Isang wild mist wisp..  

(see multimedia, upper left)


Unti unting nabuo ang makakapal na hamog sa loob ng kagubatan. Isang bagay na pinagtaka ni Dorothy sapagkat bago sa mga mata nya ang makakapal na hamog. Bigla=biglang sumakit ang ulo ng dilag. Ito na pala ang paunti unting atake ng mist wisp.. Pagkatapos ay naiba ang pananaw ni Dorothy sa Elber's woods. Nakita nya ang kanyang masasayang alaala.. Masasaya at matatamis na biglang napalitan ng pait...

Ito ang iilan sa mga kakayahan ng mental nuadas. Isang sukatan ng kapasidad ng isipan. At kapag nakayanan ng isang tao ang hamon ng isang mapaglarong wisp ay tagumpay niyang makukuha ang katapatan nito ngunit kapag bigo naman ay maaaring kabaliwan ang resulta.

Ilang sigaw narin ang pinawalan ng dilag sa mga nakikita nya sa kanyang isipan. May mga hikbing ni minsan ay hindi niya nagawa. Kung ano man ang kanyang napasadiwa ay sya lamang ang nakakaalam. Ang tanging konlusyon lang ay nasa tulay sya ng kanyang masasakit na alaala..

Sa kabutihang palad, natagpuan nina Alice at David si Dorothy na nakahimlay sa matigang na lupa..

"Tsk, hindi si Magnolia ang aking nahanap. Akala ko ba, bantaysarado ang kuya nito sa kanya? At naisipan niya pang dito matulog sa daan kung saan ang hamog hamog pa. Nuisance. David, maiwan ka na lamang dito at samahan mo yan. Sagabal ka rin naman. Enjoy ha.."

Patungo tungo lang ang naging sagot ni David sa mga masasakit na salita ni Alice.  Sadyang ayaw na kasi ni Alice na mapagalitan pa ni superior kaya't talagang nagmamadali sya at kumaripas na. Naisaisip na ni Alice na si Magnolia muna bago ang kahit ano.


Inilipat ni David si Dorothy sa lilim ng isang puno at doon sinubukan nyang gisingin ang dalaga..

Napaatras ng bahagya ang binata sa biglang pagsisisigaw ng dalaga. Ang mga sinisigaw niya ay maari mo ng husgahan kung gaano kapait ang nasa isipan niya.. Mas lalong kumakapal ang hamog sa tuwing sumisigaw si Dorothy. Natataranta nadin si David at hindi alam anong gagawin.

Isang gnome ang biglang nagsalita sa tabi ng puno sa damuhan. Dahil nabigla si David dito ay hindi muna sya nakapagsalita.

 (multimedia;lower left)

"Oh? Tao? Anong tinitingin tingin mo dyan? Gisingin mo na yang babae at baka matuluyang mabaliw yan."

Manghang mangha sa liit ng boses at sa pisikal na aspeto ng gnome si David..Unang beses siyang nakakita ng gnome at ang ekspektasyon nya ay mas malaki ito sa inaasahan..

"Ano?! Di ka gagalaw? Estatwa ka? Estatwa ka? Estatwa ka?"

Hindi parin nagsasalita si David at parang may inaalala. 'es gehört mir' bigla nyang binulong sa sarili at napasigaw nalamang bigla ang gnome...

"Anong ginawa mo! Bakit mo ako inalila?! Walangyang tao ka!" 

Mangiyakngiyak na maktol ng gnome. Napatakip naman ng labi ang binata dahil hindi nya inaasahang masasabi nya ang kanyang iniisip ng hindi sinasadya at dahandahang naproseso sa isipan nya na magiging amo sya ng isang mental nuada..

Nasabi ni David ang mga katagang nagpapakita ng pagmamay-ari sa harap ng isang gnome. Pagpapakita lamang na si David Carstairs ay nagkaroon na ng nuada sa hindi nya inaasahang paraan..


**Alice**

I somehow feel guilty with how I acted and dealt with David. I am too stressed to be nice.

Bakit ba kasi hindi ko mahanaphanap si Maggie?! Wait.. Bakit ba hindi ko gamitin ang nuada ko?

Yes, you read it right. May nuada na ako. A strength type at panigurado maaasahan ko to sa paghahanap kay Maggie. Ang tanging rason lang naman kung bakit nagkunwari akong walang nuada ay para mabantayan si Magnolia. Pero imbis mabantayan ay pinabayaan ko pa. Tsk

Inihipan ko na ang pito na lagi kong dala at matapos ang ilang segundo ay nandyan na ang aking nuada. Ang Pterodactyl.

(multimedia;upper right)


Sumakay na ako sa likuran nito, nagbabakasakaling matagpuan ko kung saan natagpo ang babaeng iyon kapag umangat na ako sa ere. Sana naman.. sana naman...



to be continued...

Book 1:Elber's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon