5
4
3
2
1
►Play
"Durcheinander"
3rd Person's POV
Si Alice at Lucy ay kasalukuyang dinadala si Magnolia sa bahay ni Superior. Naguguluhan ang lahat.
Sa isip ni Alice, siya ang may kasalanan. Kung hindi niya lang sana iniwan si Magnolia doon. Ibinilin sa kanya ni Lucy si Maggie ngunit iniwan niya parin ito. Inuna niya pa ang pansariling nararamdaman kaysa sa kapakanan ni Magnolia. Sinisisi niya ang sarili, dahil mismo siya, ginustong hindi na magising ang kanyang sariling kaibigan. Masyado siyang naging makasarili at isip-bata.
Habang naglalakad naman sila ay bigla nalang sumulpot si Red sa kung saan. Pinagpapawisan si Red at namumutla. Nakasuot narin siya ng isang itim na sweater na kanikanina naman ay hindi niya suot suot. Gustong gusto siya ni Alice. Sobra. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lamang siya umakto sa harap ni Red at Magnolia. Ngunit, dahil na siguro sa lahat ng mga pangyayari, ni hindi man lang napansin ni Alice ang kanyang pagdating. Masyado siyang nakatuon sa kaibigan niyang si Maggie.
Si Lucy na kasalukuyang nagseset ng portal ngayon ay napatigil at napatingin ng parang nanunuri kay Red...
"Alice."
Mahinang sabi ni Red. Nagulat si Alice sa boses na narinig. Kung hindi lang sana ganoon ang sitwasyon ay malamang kanina pa hinimatay sa kilig si Alice. Pero, iba ehh.
"Alice. Ano ba ang nangyari?"
dagdag pa ni Red. Takang taka si Lucy ng marinig niya iyon. Marami siyang gustong itanong kay Red..
*Lucy**
Alice, ano ba ang nangyari?! WOW! Ang galing naman ata umarte ni Red, pfft. Bakit siya nagtatanong kung anong nangyari, E diba andun din naman siya sa pangyayari?
O baka naman kaya, nagka-amnesia si Red? Lol, pano naman mangyayari yun?
Teka, alalahanin ko ang lahat ha. Ano nga ba talaga nga ang nangyari?
//flashback Lucy's memory//
Huwaaw. Para akong abno na kayakap tong charon na to. Well, literally yung scarf lang. Pero kasi kung makikita ng mga tao rito yung talagang posisyon namin, baka sabihin nila baliw na ako. Itong charon kasi na ito eh. I don't know why but my senses seem connected to this charon. Tapos isa pa, wala akong alam kung bakit invisible ako ngayon. Seryoso.
Wait. Baka may hidden ability ako! Hihi, si mama talaga, hindi man lang sinabi sakin yan nung baby pa ako.
Habang gumaganito nga yung posisyon namin ng charon, nakks posisyon talaga yung term ko ano? Eww lang. Haha, ang gulo ko mag-isip ano ba yan..
So yun nga, habang ganito kami nung charon, biglang.. Bigla akong nafreeze? Pero bakit nagagalaw ko parin yung mata ko? My eyes can move but my body can't? Luh? andrama ng ecosystem? Lumilikha ata ng bagong biome eh.

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasyA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...