Starting in
5
4
3
2
1
play
*Magnolia**
Alam niyo bang nakakabagot na masyado dito sa kinaroroonan ko?
I tried all the stuffs inside this freak'n cave pero walang nangyari.
Pinaglaruan ko yung mga puting apoy.
Yung dragon, pinapasayaw ko.
Natulog ako ng hanggang ilang oras ko gusto.
Kinausap at binara-bara ko yung lalaking masyadong shy at ayaw magpakita.
Ginawa ko na ang lahat. Pero, walang nangyari. Bored parin ako.
Tsk. Kaylan pa kaya ako makakaalis sa kwebang ito? Nababagot na talaga ako. Buti nga hindi ako nagugutom dito eh. Ilang araw na kaya ako dito? Feeling ko kasi masyado na akong mabaho. Wala naman kasing bathroom dito sa loob ng kweba. :3
Kada sinusubukan ko namang lumabas ng kweba, All black lang yung nakikita ko. Seriously?
Sa sobrang kabagutan ko, nagpagulong-gulong nalang ako dun sa sahig. Wala na akong pake kung magulungan ko man yung puting apoy. Hindi naman din kasi ako napapaso at bumabalik naman din kasi yung apoy agad matapos kong magulungan.
Nga pala, yung itim na dragon, nakikipag-usap sakin. Hindi verbally kundi mentally. Nagulat nga ako kasi akala ko nabaliw na ako at kung ano anong salita ang pumapasok sa isipan ko.
Lagi niya akong kinukumbinsi na lumipat daw dun sa den niya. Mas masaya daw dun at marami daw siyang ituturo sa akin.
Ako naman, hindi pumapayag. Ewan ko bakit. Maganda naman din yung lugar niya. Matigas yung yelo sa paligid saka hindi natutunaw. Basta, magical yung sa kabilang side ng cave. Pero, sinasabi lang talaga ng instincts ko na wag pumunta doon. Na wag lapitan at kaibiganin ang itim na dragon.
Sa ilang oras kong pagulong gulong, nabuhayan ako bigla ng may narinig akong pamilyar na boses. Boses diyablo. I don't know if you know the person na minimean ko pero seryoso, natuwa akong marinig siya.
"What are you doing?"
"Siguro, tumatae ako."
Oo, sumaya nga ako na narinig ko siya pero naiinis parin ako sa presensya niya. Ang dami ko kasing naaalalang paghihirap na dulot niya.
"You're rolling! Gee, you're getting dirty. Stop that."
Alam niya naman pala yung ginagawa ko, tinanong pa ako. English ng english, Nakakabanas lang.
"Oh stop it. Mag explain ka nalang pwede?"
Sabi ko sa kanya. All-knowing yata yang fashionistang dyablo nayan. Sa sobrang talino niya nga, nanigurado pa siya kung ano ang ginagawa ko kanina. Kung tumatae nga ba ako o nagpapagulong gulong. Grabe, ang talino niya talaga. Note, sarcasm.
"Ok listen. I am using telepathy right now that stands for an hour. You are inside a dream Magnolia. Or better to say, You are inside a nightmare. Right now, we do not know how you can get out of that nightmare. We are currently taking care of your physical body here in the United Palace so you don't have to worry. Also, I'll visit you everyday and spend one hour training you while a friend of mine is working on how you can get back here. Questions?"

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasyA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...