Starting in
5
4
3
2
1
►play
**3rd person**
"Superior..."
Bulalas ni Alice pagkatapos siyang sampalin ng superior. Hindi niya maalis-alis ang kamay niyang nakadampi sa namumula niyang pisngi. Ang tanging magagawa niya lamang ay tanggapin ang parusa niya dahil sa hindi pag-aaruga kay Magnolia.
"I never thought that you are that dumb Alice. How could you do that idiotic thing?! Leaving gewitchtheber to her uniform?! You are a class A servant! Do your job properly!"
Ganun ganun na lamang ang galit ni superior kay Alice. Bilang guardian ay kaylangan niyang patnubayan ang isang demiant ng patago. Ang pagkakaibigan ni Alice, Lucy, at Magnolia ay paraan lamang ni superior upang mabantayan si Magnolia..
Demiant si Magnolia. Isang kinalabasan ng pag-iibigan ng isang tao at isang element bearer. At si superior naman, ang nangunguna sa lahat ng guardians ay binigyan ng huling trabaho bago makatungtong sa pagiging empress. Yun ay ang mabantayan si Magnolia.
"but, superior... It wasn't all my fault. It was..."
Napatigil sa pagsasalita si Alice ng takpan ni superior ang kanyang mga labi. Dahan-dahang may lumabas na usok sa mga kamay nya na kasulukuyang nakatakip sa bunganga ng mangiyakngiyak na si Alice. Mga luha na lamang ang nailabas ng kaawa-awang tagapagsunod nang kunin ni Superior ang kanyang kamay at tumalikod na. Nalapnos ang kanyang balat sa may bibig at pumoporma pa rito ang kamay ni superior. Maswerte siya at siya ay isang water-bearer. Maingat nyang ipinagaling ang kanyang sugat habang hindi nya mapigilang umiyak sapagkat hindi man lang siya pinakinggan ng guro. Mahapdi man ay hindi niya na ito iniisip pa. Ang pagsisi niya sa kanyang pagiging irisponsable ay siyang namumukod-tangi niyang naiisip.
Hindi niya alam na sa mga oras na iyon, si Lucy, kasama ang kinaiingat-ingatang si Maggie ay nasa hindi maintindihang pangyayari.
Si Lucy at Magnolia ay nasa labas lamang ng unibersidad at hinihintay si Alice nang may mapansing puno si Maggie.
Ito ang puno kung saan nya nakita ang isang estranghero ng umagang iyon lamang.
"Magz, anong drama mo sa punong iyan?"
"parang pamilyar lang kasi sya... tanaw ba ang punong to sa school?" -ni hindi man lang matinag ang tingin ni Maggie sa punong iyon. Parang slideshow kung magpaulit ulit ang imahe ng lalakeng nakahood sa isipan niya.
"Of course! Sa training grounds ata makikita yan. Yan ang infamous Detterhoid tree. Popularized by Czar Dieter Potter. Namatay sya dahil sa pagproprotekta sa babaeng mahal nya. Sayang ngalang hindi named yung girl."
Parang wala lang kung sabihin ni Lucy ang mga salitang iyon. Sa kabilang banda, tila hindi na siya pinakikinggan ni Magnolia. Nakuha na ng punong iyon ang kamuwangan nya. Ang malalapad na dahon at matatayog na sanga ay nagpaikot ikot sa kanyang paningin. Hindi nya alam ay nahimatay na pala siya kaya nama't nataranta si Lucy. Ngunit ang pagkatulog niya sa oras na iyon ang nagdala sa kanya sa ibang dimensyon.
Parang nananaginip lang siya sa kanyang mga nakikita.. Isang paraiso kung maituturing. Mga halamang ni minsan ay hindi mo aakalaing mayroon. Ang simoy ng hangin ay malamig at presko na humahalik sa kanyang balat, at ang awit ng mga ibon na kaaya-aya sa kanyang pandinig.
Naglakad lakad si Magnolia sa dimensyong iyon at nakakita ng isang batis. Kanyang niluhod ang mga tubig sa batis at hinilamos iyon sa kanyang mukha. Sa lamig ng tubig ay makakalimutan mo ang lahat ng iyong problema. Tinitigan ni Magnolia ang kanyang repleksyon sa malinaw na tubig. Sa katunayan ay maganda nga ang dilag. Ang makinis nyang kutis at mapupulang labi ay ilang proweba lamang sa kanyang kagandahan. Ngunit ang nakakaganda sa kanyang lalo, ay ang purong kayumangging mga mata.
Hindi man lang ito napapansin ng dilag, patuloy nyang tinititigan ang kanyang repleksyon. Sa di kalaunan ay may napansin sya sa kanyang repleksyon.
Isang pares ng mga ginintuang mata sa kanyang likuran na nagmula sa isang asong mas malaki pa sa tao. Nagulat sya kayat napatalikod sya bigla. Nagulat din ang lobo kaya napasunggab ito sa kay Magnolia.
Hindi naman kalaliman ang batis. Napahiga si Magnolia ng bahagya sa batis na iyon kaharap ang isang lobong may pilak na buhok at ginintuang mata. Tila kinikilala siya ng lobong ito ngunit ang mas nakakabaliw ay kung bakit tila galit na galit ang lobo sa kanya. Para bang gustong gusto na siyang lapain nito ng di oras ngunit may kung anong pumipigil sa lobo. Ang mga mata nito ay nangungusap na para bang sinasabing malakas ito.
Sa hindi malamang dahilan ay hindi rin natakot ang dilag kundi tinitigan lamang ang di pangkaraniwang mata ng lobo. Aliw na aliw sya sa mga mata nito na nakalimutan niya ng pwede siyang masaktan.
Ang kawalan ng takot ni Magnolia ay lalong nagpatindi sa galit ng lobo. Nanlisik ang ginintuang mata nito ngunit hindi parin natakot si Magnolia. Inilapit ng lobo ang kanyang mukha sa mukha ni Magnolia nang biglang lumabas ang isang matanda mula sa likuran ng lobo.
"Lanaya...."
to be continued...

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasyA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...