starting in
5
4
3
2
1
►play
**Magnolia**
"WTF!" -sigaw ng isang lalaking kaharap ko habang nakahawak sa kanyang ulo ang isa niyang kamay at ang isa naman ay nakatukod sa sahig.
Spell our position? A-W-K-W-A-R-D
Malamang! Hindi kaba ma-aawkward kung bigla nalang may matumba sa harap mo? Sheez. Ang lapit po namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko po yung pabango niya. Sobrang tapang nga eh
Bigla ko nalang naramdaman ang sakit mula sa biglaang pagbagsak ko sa sahig. Aw, napangiwi tuloy ako. Hello? Kahit na may mat ang sahig ko, matigas naman din po ito.
Sinilip ko na naman ang portal. Sarado na ito. Gee, pagdating ni Lucy, masasakal ko siya..
"Magz?! What's with that noise?!" -Sigaw ni Alice mula sa cr. Doon na kami natauhan.
"Ha?! Ah. Eh. W-wala Alice..!" -Sigaw ko pabalik. Nagkatinginan naman kami ng lalaking kaharap ko. Halata sa mukha niya ang gulat. Sino bang hindi magugulat?
"Sigurado ka Magz?!" -Pasigaw niyang tanong uli sa akin. Tinakpan ko ang bunganga ng lalaking kaharap ko bago sinagot si Alice.
"o-OO!" -Pagkatapos ay tinulak tulak ko siya. Tumayo naman siya at siyempre tumayo nadin ako.Tapos hinila ko siya sa loob ng walk-in closet ko.
"Huy teka! San mo ba ako dadalhin?!"
"Tumahimik ka nga! Langya! Bakit kaba kasi andito sa loob ng kwarto ko?!"
"Bakit ba kasi may portal papasok dito sa kwarto mo?!"
"Bakit mo din ba kasi pinasok?!"
"Hindi ko pinasok no! Napasok lang ako!"
"Anong napasok pinagsasabi mo diyan!! Tsaka tingnan mo! Nagkalat kapa ng dugo sa sahig!! B*sit!"
"Kasalanan ko ba ngayon?!"
"So kasalanan ko?!"
Bulong namin sa isa't isa na parang pasigaw nadin. Eh kasi ba naman. Hindi ko alam anong gagawin. Hindi ko kilala ng mabuti ang isang to. At ang alam ko lang, hindi kami close.
"Maggie!!! Andito na yung ice cream!!! Maggie?! Bakit may dugo dito? May period kaba ngayon?!"
Tangna. Si Lucy. Aish. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa yung lalaking kaharap ko. Eek. Wala po akong period ngayon. Dugo po yan nitong asungot na to.
"Oo Lucy! Hintay lang!" ~Tapos tinakpan ko uli yung bunganga ng lalaking kaharap ko. Mahirap na, baka humagalupak ng tawa.
"Ganun?! Nagbibihis kaba ngayon ng napkin?!" -Sigaw naman ni Lucy. Tama bang ganito ang maging topic namin sa harap ng lalaking ito?!
"OO!! PWEDE PAKILAGAY NALANG MUNA NG ICECREAM SA BABA.. SA MAY REF?! SALAMAT HA!" -Feeling ko pulang pula ako ngayon. Kasi itong lalaking kaharap ko kasi eh. Alam ko, tawang tawa nayan. Naniningkit na nga yung mga mata oh. Kapag kinuha ko na yung kamay ko dito. Naku, tatawa talaga to ng malakas.
"okay..!"
Tapos narinig ko yung mga yapak niya palabas ng kwarto ko. Sakto namang nagsalita si Alice. Pero malumanay na. Hindi na pasigaw. Tapos naba siyang maligo?

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantastikA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...