Starting in
5
4
3
2
1
►play
**Alice**
<////3
Kakaalis ko lang sa likod ng pintuan ng kwarto ni Maggie.
At oo, narinig ko lahat.
Si Red at siya nag-uusap, tumatawa, ang saya saya. Tsk
Alam kong aksidente ang pagkakapasok ni Red sa kwarto ni Maggie. At alam ko rin na ayaw ni Maggie malaman naming nakapasok si Red doon kasi iniisip niya ang sasabihin namin.
Pero, , kumikirot parin dito sa puso e.
"Tsk tsk tsk. Kabataan nga naman ngayon."
Nanlaki ang aking mga mata ng narinig ko ang boses ni Thunder Vlad. Nandito siya ngayon? Binabasa niya na naman ba ulit ang isipan ko?!
Tiningnan ko naman kung sinong nasa baba. Si Thunder Vlad nga! Na may dala-dalang, maleta?
"Vlad, you can go." ~narinig ko naman ang boses ni Superior mula sa likod ni Thunder Vlad. Ibigsabihin, andyan din si Superior? Hala, teka. Hindi ata ako prepared.
"Yes superior." ~nagbow sa kanya si Thunder Vlad at saka tumingin sa akin.
Tapos nagpakawala pa siya ng isang malapad na ngiti saka ibinaba ang mga maletang hinahawakan niya bago lumabas sa aming boarding house.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Kasi naman diba? Nakatwalya pa po ako dahil nga nag espiya ako kayla Maggie at Red.
Tapos dumating bigla si Thunder Vlad at Superior.
Tapos nakakatakot ang ngiti ni Thunder Vlad bago siya umalis.
Tapos may maleta.
Ano bang uunahin ko? Ang magbihis muna bago magbigay pugay kay Superior? O ang batiin muna siya bago ko unahin ang sarili ko? Tsk, nakatingin na kasi siya sa akin mula sa baba ng hagdan eh.
Dahan dahan siyang umakyat sa hagdan. Aish. Nagbow nalang ako nung makatapat ko siya.
"Is this her room?" -Malamig niyang tanong sa akin habang nakatingin lang sa pintuan ng kwarto ng Maggie.
"Y-yes Supe--"
"Miss Prix. Call me Miss Prix." ~sabi niya at saka dumiretso sa loob ng kwarto ni Magnolia. Did she just...? She wants us to call her Miss Prix? She wants us to call her, her name?
What the heck's happening?
"Alice! Tara muna dito sa kusina..!" ~sigaw ni Lucy mula sa baba. Bumaba nalang ako agad at saka pinuntahan siya. Gulong gulo na yung utak ko.
Kasi ba naman, kakagaling ko lang sa heartbreak, err.. Heartbreak talaga? Anyway, kakagaling ko lang sa pagkagulat tapos gugulatin ulit ako nila Superior at Thunder Vlad. Tapos, pumapayag pa talaga si Superior na tawagin namin siyang Miss Prix kahit na ayaw na ayaw niya namang tinatawag namin siyang ganun.
"Wow Alice, ang sexy ha.Di ka man lang nag-abalang magbihis ano?" ~Ay oo nga. Nakalimutan ko. Distracted kasi.
"Ba't moko pinapunta dito?" -Dineretso ko na siya. Kung makikipagbaliwan pa kasi ako sa babaeng ito, baka bukas pa ako makapagbihis.

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasyA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...