starting in
5
4
3
2
1
►play
**Magnolia**
Nasaan nanaman ba ako?
Nandito ako sa hindi mawaring kagubatan na punong puno ng mahiwagang puno. Yan na ang tinawag ko sa Detterhoid Tree, simula ng nahimatay ako at napanaginipan ko ang isang matandang lalake at isang lobo.
Ang akala ko ay nag-iisa lang ang punong iyon. Ngunit, Ano ba'ng ibigsabihin ng mga punong nakapalibot sa akin ngayon?
Gaya ng dati, ang malalapad na dahon nito ay talagang nakakabighani. Ang katayugan ng punong ito'y di hamak na mas kabilib-bilib kaysa sa semento.
Ito kaya ang punong ginamit nila sa pagpapatayo ng aming paaralan? PAARALAN?! Teka, hindi ba't nasa paaralan ako ngayon at nakikisali sa tinatag nilang Nuada hunt?
Kung gayon, Nasa Elberion parin ba ako?
Hindi ko man lang maisadiwa ang lugar na tinatayuan ko. Iba ang amoy ng hangin. Hindi ko alam ngunit naaamoy ko ang apoy sa paligid.
Isa lang naman ang paraan upang malaman ko kung nasaan ako.
Umakyat ako sa isa sa mga puno dito upang makita ang hangganan o kahit ang buong lugar man lang.
Inakyat ko ng inakyat ngunit sa pagkabigo ay tila hindi ko makita ang pinaka dulo ng punong ito. Napapagod narin ako sa pag-akyat ngunit patuloy ko parin itong ginagawa.
Ilang oras naba akong umaakyat rito? Tumingin ako sa baba ngunit hindi ko narin makita ang paanan ng puno. Gano ba kataas ang punong ito?
Matapos kong tingnan ang taas ng inakyatan ko ay ibinalik ko na ang tingin ko sa taas pero, teka. Bakit andito na ako sa pinakamataas na bahagi ng puno?
Kinurap-kurap ko ang mga mata ngunit wala paring nagbago. Nananaginip ba ako?
Inilibot ko ang aking paningin at sa pagkadismaya ko, wala akong nakitang gate na napakalaki o mga estudyanteng naghahanap ng nuada.
Wala akong nakitang mga hayop sa paligid kahit isang lamok man lang. Tama nga ang hinala ko. Hindi ito ang Elber's Woods. Hindi ito ang Elberion.
Hahakbang na sana ako pababa ngunit biglang, Sh*t. Tingin ko nabali ang mga buto ko. Ano bang nangyari?
Pabababa na sana ako tapos bigla nalang akong nahulog? Bakit ang bilis ko naman atang nakarating sa lupa? Anyare sakin? Hindi eh.
Sa taas ng inakyat ko, imposibleng ganun kabilis ang pagkahulog ko.
Pero, sh*t talaga. Ang sakit ng katawan ko.
Tinulungan ko ang sarili kong tumayo. Bilang suporta ay ginamit ko ang punong pinaghulugan ko.
Bullsh*t! Naluluha na ako sa sobrang sakit. Pagkahawak ko palang sa puno upang makatayo ay naging abo agad ito dahilan upang matumba nanaman ako. Ano bang meron sa lugar na ito?!
Ang mas malala pa ay ang parteng hinawakan ko lamang ang naging abo. Kapag hindi pa ako nakatayo ngayon ay maiipit ako sa bahagi ng punong hindi naging abo. Hustisya!
Nasaan na ba kasi ako?! Pinipilit kong itayo ang sarili. Ang sakit ng katawan ko. Ang mga buto ko sa katawan ay parang durog na durog na. Hindi, mali. Ang mga buto ko sa katawan ay nalipat na sa ibang bahagi ng aking katawan.
Pakiramdam ko, may apoy sa loob ko. Ang init, sobrang init sa pakiramdam na sa tingin ko ay kumukulo na ang aking dugo.
Konti nalang ay mahuhulugan na ako ng malaking puno ngunit hindi parin ako nakakaahon sa aking sitwasyon. Mahuhuhulog na talaga ito. Madadaganan na ako.
Pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko lubos isipin na ganito lang kadali ang kamatayan ko. Ganito lang pala kasimple ang kamatayan ko.
Nang mapansin kong medyo matagal na akong nakapikit ay inimulat ko ulit ang aking mga mata. Asan yung puno?
Nabigla ako ng nakita ko ang bahagi ng puno na dapat makaipit sa akin ay naging... Abo?
Ano bang ibigsabihin nito? Katulad kanina nung hinawakan ko ang puno ay naging abo ito. Ngayon naman, dumampi lang ito sa katawan ko ay naging abo narin. Ano bang nangyayari?!
Gumapang ako papunta sa isa pang puno. Idinikit ko rito ang aking hintuturo at mas lalo akong namangha sa nangyari. Nagkaroon ng butas ang parte ng puno kung saan ko inilapat ang aking hintuturo.
Hindi ko na alam anong nangyayari sa akin. Tiningnan ko ang aking mga kamay. Tsk, lumalagabgab rin ang paningin ko.
Ang sa~kiit sakit ng katawan ko! Ano ba kasi ang nangyayari?!
Napayakap nalamang ako sa sarili ko at napapikit. Sana isa lang itong bangungot. Nahihirapan na akong huminga at amoy na amoy ko sa paligid ko ang apoy. May nasusunog ba? Oo.Tingin ko nasusunog ang kalamnan ko.
**Someone**
Unti-unting na siyang nalilibing sa lupa. May lumalabas na usok sa paligid niya. Ang mukha niya naman ay malaya pa naman paring nakikita.
Lumalabas na sa itaas na bahagi ng kanyang mga pisngi malapit sa mata ang mga pulang kaliskis. Kaunti lang naman ngunit madali mo lang silang makikita.
Nakakunot ang kanyang mga kilay at dahan-dahan ring napupuno ng makapal na usok ang paligid. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari subalit narinig kong sumigaw si ama.
Tungkol nanaman ang sigaw na iyan sa propesiya.
Isang napakalakas na ihip ng hangin ang sumasayaw sa paligid. Ang mga ulap, nagsalo-salo at naging itim na. Bumagsak ang napakalakas na ulan kasabay ang ilang kulog at kidlat.
Sumigaw na namang muli si ama.
Bago ko pinuntahan si ama ay sinilip ko muna siya sa huling beses. Hindi na siya nakikita. Tuluyang nalamon na siya ng lupa.
"brennen staub"
At saka umalis na ako roon upang mapuntahan si ama.
To be continued~~
♥Silent_Survivor
PS. May one-shot po ako, the title is "Guess"
romance/teenfic^^ Plug ko lang... Please read ha? Thanks.

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasyA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...