Starting in...
5
4
3
2
1
►play
***3rd Person**
Ilang araw narin ang nakalipas at patapos na ang ang unang buwan ng klase..
Isang nakaugaliang kaganapan na para sa lahat ng freshmen at transferees. Ang Nuada-hunting.
Dito ay sinusubukan ang talino at lakas ng isang Element Bearer sa paghahanap nya ng kanyang sariling nuada o kabakas.
Sila ay mga nilalang na nilikha upang maging kasangga ng isang Element Bearer.
May tatlong legendary nuadas. Ang Griffins, Dragons at ang Fox.
Nagtipon tipon na ang lahat ng guro sa harap ng bunganga ng Elberion. Kasama nila ang kanilang mga nuada. May ilang nakakuha ng gnomes, bonnacon, empusas, at iba pa...
Walang kaalam-alam ang mga estudyante sa kung ano ang nuada at kung ano ang magiging kahihinatnan ng nuada hunting sapagkat nakapiring ang kanilang mga mata at walang kahit anong kaalaman kung sino ang mga kagrupo nila.
Tiglilima bawat grupo. Sa isang grupo ay may isa o dalawang demiant na nakasali. May 297 grupo sa paligsahang ito. Nagsimula nading mag salita ang announcer para maumpisahan na ang nuada hunting..
"The rule number one with this event is to always follow what the instructor says...
First: once I call your number, you may take your blindfold and enter the woods..
Next: You can only stay 40 minutes inside having the reason that another batch will be waiting to have their turn. Take note, Staying more than the assigned time, will be thrown into the nuada's den.
Third: Even if only one of your groupmates has excess time, the whole group would still be thrown to the den.. In other words, one for all, all for one..
Lastly, to add spice, you can assault other groups as well but strictly no killing each other. So it's either now or never. If you wanted not to be thrown to the den, then better come out empty handed..
So, the first batch will be... group 8, 17, 32, 65, 111, etc......"
Mahigit tatlumpung grupo ang tinawag ng tagapagsalita. Nag-umpisa na ang nuada hunting ngunit hindi naman kasali si Magnolia, Lucy, at Alice sa unang pangkat. Pasensyoso silang naghihintay at hindi nila alam kung sila ba ay magkagrupo o hindi.
Nang matapos na ang unang pangkat, muli na namang nagsalita ang announcer para ibalita sa mga natitirang naka blindfold ang pangyayari.
"Groups to be thrown, we have, 72, 8, 11, 32, 51, 113, 4 and 98. Congrats to other groups who have succeeded. Next batch is 1, 14, 97, THIRTY-EIGHT, 144, 149.. ETC"
Ng marinig ni Magnolia ang 38 ay agad niyang binuksan ang piring niya sa mata. Masaya siyang nakitang kagrupo niya si Alice. Ngunit sa kabilang banda, nalaman nyang nasa 2nd batch rin pala si Lucy. Na sa ibang grupo nga lang siya.
Pagkatapos nyang kilatisin ang mga mukha ng kanyang kagrupo ay saka nya inilibot ang kanyang paningin. Doon niya nakita ang iba't ibang nuada katabi ang kanilang owner na nakahilera lamang sa labas ng pintuan ng Elberion. May mga gnomes, bonnnacon, pterodactyl, at iba pa.
Pero ang nakapukaw sa kanyang pansin ay ang napakalaking griffin na ang kulay ay hindi mawari kung itim o kayumanggi. Ang kalahating leyon at kalahating agila na nilalang ay may tindig na yabang at pagmamalaki sa angking lakas nito.
Sa magkabilang tabi ng griffin na ito ay mga dragon. Ang isa ay kulay itim na dragon at ang isa naman ay maladugong pagkapula. Natanto ni Maggie, na ang pulang dragon ay minsan niya ng nakita ngunit hindi nya matandaan kung saan at kaylan. Ang hindi alam ni Magnolia ay ito ang dragon ng kinikilalang si Flare Smith.
Mga ilang segundo na rin ang nakalipas ng natapos na ng announcer sabihin ang tatlumpung grupo ay binigyan sila ng isang minuto upang makapagplano.
Tinuro narin sa kanila ang paraan upang makahuli ng nuada. Yun ang masabi ang mga katagang 'es gehört mir' ng nakatingin ng direkta sa mata ng nuada..Yun ang nagpapahirap sa kanila dahil ang mga nuada ay kilala bilang ayaw magpakontrol na mga nilalang at agresibo kung may nakikitang tao.
Kaya naman nagpulong pulong na ang group 38...
(kilalanin)
Magnolia Williams -isang demiant
Alice Henceworth -isang water bearer
David Carstairs -isa ring demiant
Timothy Douglas -isang earth bearer
Dorothy Douglas -kapatid ni Timothy; isang stealth bearer
Simple lang naman ang plano ng grupo nila. Ang maghiwahiwalay pagpasok palang sa Elberion at maghanap ng nuada. Pagkatapos ay maghintay malapit sa gate sa ibang kagrupo upang sabay sabay silang makalabas.
Handang handa na ang grupo nila ng may napakalakas na hanging nakapukaw ng kanilang atensyon.
Ng dahil sa pagpagaspas ng dalawang dragon at ng malaking griffin sa kanilang mga pakpak, ay lahat ng grupong kalahok sa nuada hunt ay nakatingin sa isang napakagandang babaeng lumulutang lutang sa ere.
"Superior, glad you made it. You may now take the microphone." -ika ng announcer at ibinigay sa palutang lutang na babae...
Umusbong naman ang inis sa kay Magnolia ng makita nya ang gurong iyon.
Ng makuha na ni superior ang mikropono ay agad naman siyang nagsalita.
"Students, after these bold and mighty nuadas below me call, I am giving you my approval to enter the woods of Elberion"
Sabi ng guro na may ngiti sa labi. Ang mga ngiting ito ay mas lalong kinakainis ni Maggie kaya't napagpasyahan niyang mauna sa paglalakad papasok ng Elberion. Sinundan naman siya ng kanyang kagrupo at pinipilit na hintayin ang magiging sigaw ng tatlong malalaking nuada.
Nang nasa harap na ang grupo nila sa gate dahil sa pagpupumilit ni Magnolia, bigla namang humiyaw ang tatlong halimaw. Napatigil ang grupo nila Magnolia at napahawak na lamang sa tenga.
Mulat ang mata ni Maggie sa pangyayaring iyon. Maski ang ibang grupo ay hindi magawang gumalaw at makatakbo papasok ng gate dahil hindi nila makayanan ang tindi ng boses ng mga nuadang ito.
Napakagat na lamang si Magnolia sa kanyang labi at hinila papasok ng gate ang kanyang grupo.
~to be continued
BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasyA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...